^

Kutob

Mayo 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Wala akong hindi magagawa sa kalakasang kaloob ng aking Manlilikha. Matatapos ko ang lahat ng gawain sa bahay man o opisina.

 TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bad news dahil ang suliranin sa pera ay magiging pangunahing problema dahil sa mga mag-aaral. Malaki ang pagkakataon upang mailagay sa maayos ang mga gugugulin sa pamamagitan ng pagba-budget. Malakas ang impluwensiya ng pagkalimot kaya ihanda ang mga dapat dalhin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 21, 34 at Green.

GEMINI (Abril 21-Hunyo 21) – Ang pagbuo ng patakaran at prinsipyo sa tahanan ay tinatawag ng panahon at pagkakataon. Maaaring ang isang anak ay may matin­ding problema na dapat agapan. Ang pangaral ng magulang ay kailangang buhayin sa loob ng tahanan. Maging makatuwiran sa mga katulong o helpers. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 22, 36 at Bone white.

CANCER (Hunyo 2-Hulyo 22) – Sa mga binata’t dalaga, ngayon magiging malakas ang bugso ng damdamin sa pag-ibig. Iwasan ang magkaroon nang hindi pagkakaunawaan ng dahil sa selos. Sa mga may asawa, mag-ingat sa tukso ng pag-ibig dahil magbubukas ito ng daan sa hindi pagkakaunawaan  at sisirain ang pamilya.  Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 31, 32 at Cherry red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Buksan ang mata at talasan ang pandinig nang makita at marinig ang pangangailangan ng sarili at pamilya. Sa pagwawalang bahala ay maraming biyaya ang makakawala. Ang pagsisimula ng negosyo ngayon ay magiging daan sa pag-unlad. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 20, 32 at Sun yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – May sikretong matutuklasan. Ang pagtuklas ng pagkatao ay hindi masama kung sariling kabutihan at interes ang nakataya. Posibleng isang bagong kakilala ang magpapatibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 25, 30 at Peach.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Panatilihin ang konsentrasyon at matinong pag-iisip sa anumang gagawin. Ang bagay na positibong iniisip ay tiyak na magaganap. Huwag magpadalus-dalos sa pagkilos at pananalita. Taglayin ang pag-iingat nang malayo sa disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 17, 31 at Copper red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang tunay na kaibigan ay malalaman sa oras nang kagipitan at ngayon ito mapapatunayan. Ang tulong na kailangan mula sa kaibigan ay hindi maaasahan. Nasa sarili ang katuparan ng minimithi, makakamtan kung kikilos at magiging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 39 at Indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – May magandang balita mula sa ibayong dagat. Anumang bagay na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ay dapat huwag pansinin. Ang konsentrasyon ay mahalagang iukol sa gawaing ispiritwal upang mabawasan ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 30, 35 at Squash yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Alagaan nang buong husay ang trabaho at dito nakasalalay ang kinabukasan. Huwag palampasin ang magandang pagkakataong darating. Ang anumang tagumpay na tatamuhin ay may kakambal na sakripisyo at responsibilidad. Ayusin nang maaga ang suliranin sa loob ng tahanan upang hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 18, 31 at Red.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging mataas ang personalidad sa tingin ng iba kaya bawat sabihin ay paniniwalaan, subalit ang pagyayabang ay may kabayarang karma. Ang pagdududa sa anumang bagay ay dapat huwag balewalain dahil may posibilidad na magkatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 21, 36 at Sky blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang buong tatag ng sarili ang dapat pairalin ngayon. Ihanda ang sarili sa suliranin sa pamilya o trabaho. Kailangan ay lamig ng ulo at buo ang kalooban. Maging matapang sa pagharap ng suliranin at sa paghahagilap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 23, 35 at Brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang mga nakalinyang appointment ay maaaring magkaroon ng kapalpakan kung walang follow up. Iwasan ang mangako dahil malilimutan o hindi matutupad. Sa paglakbay maaaring magkaroon ng matinding kaabalahan dulot ng trapiko o aberya. Makakaramdam ng katamlayan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 31, 37 at Brown.

BAD NEWS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with