^

Kutob

Disyembre 19, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Masagana, masaya at mapayapa ang aking tahanan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Iwasan ang gawaing kaugnay sa matatalas at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 34, 41 at red orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa hanap-buhay o negosyo at pag-ibig, masuwerte ka ngayon. Magiging magaan ang hanapbuhay subalit dapat paghandaan ang bukas. Naaayon ang makipag-date, walang magiging problema at magiging maaliwalas at masaya sa larangan ng pag-ibig at hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 39, 42 at garnet.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan ay ikatutuwa ng pamilya. Ang mga kaibigan at mga kamag-anak ay hindi maaasahan ng tulong. Simulan ang magsariling sikap. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung ano ang plano tiyakin na magagawa sa lalong madaling panahon. Ginto ang panahon kaya huwag aksayahin. Huwag mag-aksaya ng oras at baka ang suwerte ay lumayo. Bigyang pansin ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 25, 39 at light green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May kaibigan na walang pakialam at kaibigan na daramayan ka sa hirap at ginhawa, siya ang tunay na kaibigan. Kilatisin ang pagpili ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 36 at tangerine.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung makikipagsapalaran, ngayon ang tamang panahon. Kung makikipagsapalaran sa pag-ibig, malamang matamo ang magandang resulta. Kung makikipagsapalaran tungkol sa negosyo, ito ang unang hakbang sa pag-angat at paglago. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 32, 39 at sky blue.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Malamang isang malapit na kaibigan ang magtatraydor. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang. Magiging kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 39 at yellow gold.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Malamang hindi ina­asahan na makadalo sa isang pagtitipon. Malamang makakakilala ng makapagpapatibok ng puso at malamang magiging katuwang habang-buhay. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin-flame. May mangyayari na hindi akalain o inaaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 34, 40 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Naghihintay ang magandang kapalaran sa personal na hangarin kung kikilos kaagad. Ang suliranin sa opisina o tahanan ay mabibigyan ng tamang lunas kung aaksiyunan kaagad. Huwag aksayahin ang panahon nang makita ang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 24, 33, 40, 44 at peach.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mag-ingat dahil may kahinaan ang katawan mula baywang hanggang talampakan. Iwasan ang magbuhat ng mabigat. Kung may lakad, iwasan ang magsuot ng mataas na takong para hindi matapilok. Malamang madapa o matalisod. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 37 at peach.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kagipitan at pangangailangan ng pera ang problema dahil sa gastusin ng mga nag-aaral. Anuman ang suliranin, may katapat na solusyon. Huwag mabahala dahil may solusyon kung sadyang hahanapin. Sipag at tiyaga ang dapat para matamo ang ginhawa at tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May kaibigan na handang magmalasakit o tumulong kung kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay at magiging malambing. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 33, 39 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with