^

Kutob

Nobyembre 2, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang kaligtasan ay nakasalalay sa iyong mga gawa habang nasa mundo. Kaya pagsikapan lagi na maging kaluguran sa mata ng Diyos.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na maka­paglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Positibo ang resulta ng lalakarin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyemre 21) – Lingunin ang pinanggalingan at iwasang maghangad na lumipad nang mataas dahil kung babagsak, sasabog ang lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa situwasyon ngayon. Kailangan ang payo ng higit na nakakalam sa iyong problema. Walang mangyayaring solusyon kung magpapadala sa bugso ng emosyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.  

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pag-isipan ng mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot, tanggapin subalit kung inaakalang walang mapapala, tanggihan. Huwag magpadalus-dalos sa pagpasiya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maging alerto na makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho ay hindi maiiwasan. Malamang isang kaibigan ang matatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasam-bahay, ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi mo maiiwasan na magpaunlak kung may maghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Praktikal ang dapat gamitin sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasam-bahay at maging sa kamag-anak ngayon, kaya sariling sikap ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang pagpipigil sa sarili, dadalhin ka sa kapahamakan. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit ka sa gagawin nila. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magiging abala ka sa maraming bagay, pang-perso­nal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan o ‘di kaya minamahal dahil hindi mo mapapaunlakan ang hiling. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May masaya at malungkot na mangyayari. Malamang may magandang balita na matatanggap na ikakasaya. Malamang may matutuklasan na siyang magiging dahilan ng pagkalungkot. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan ang magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala dahil kabaligataran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with