^

Kutob

Oktubre 28, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sapat na ang presensya ng Diyos para lumigaya, anuman ang kalagayan mo.   

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Mag-ingat sa manloloko at mandarambong para hindi mabiktima dahil malapit ang mga ito sa iyo ngayon. Mag-ingat sa hold-upper at snatchers. Huwag magsuot ng alahas o magdala ng malaking pera kung may lakad. Kung hindi maiiwasang lumabas, makakabu­ting may kasama. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 22, 30 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Magagamit mo ngayon sa tamang paraan ang iyong kakulitan para makuha ang pakay. Kung may pautang ka, ngayon singilin. Kung may kailangan ka sa boss mo, ngayon ang perfect timing para sabihin at hindi ka mapapahindian. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 27, 39 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag sarilihin ang problema kung hirap at walang maisip na solusyon. Kumunsulta sa higit na nakakaalam, sundin ang pinakatugmang payo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 33, 38, 41 at beige.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masaya ang pakikihalubilo sa mga kasamahan sa trabaho o mga kaibigan. Ngunit mag-ingat sa may initial sa pangalan na C, B at N. Dahil sasalungat ito sa bawat salita. Kung magkakataon, pairalin ang pasensiya dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan kung papatulan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 33, 42 at jade green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may planong maglakbay, huwag nang magdalawang-isip, ituloy. Positibo ang resulta sa paglalakbay maging personal, negosyo at pagre-relax o pamamasyal. Kaya lang mag-ingat dahil may bantang may mawawalang bagay kaya mag-ingat sa mga dala na hindi mawawaglit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 30, 40 at green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung inaakala mong tama ka, ipaglaban dahil nasa panig ang katuwiran. Ang mga maseselang bagay na dapat pagdesisyunan ay dapat gawin ngayon dahil malakas ang ESP. Kung ano ang kutob ay siyang totoo ngunit huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 24, 39 at indigo.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag idaan sa pagka-emosyonal kung gipit ka ngayon, dahil bukas o sa makalawa, tiyak na makakaahon kung magsisipag, magtitiyaga at kikilos. Ang ngayon ay hindi na babalik bukas, huwag sayangin ang bawat oras. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 37, 43 at jade green.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Kung may kagalit o may nagalit, walang masama kung kakausapin para magkaunawaan. Madali kang mauunawaan kung ang intensiyon ay hindi sa kasamaan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 38 at light blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Kabigha-bighani ang iyong pagkatao ngayon, mada­ling makukumbinsi ang bawat makakausap. Kung salesman o sales lady, tiyak makukumbinsi ang taong makakausap tungkol sa produkto. Kung may hindi pagkakaunawaan sa nakaraan, ngayon kausapin at tiyak may solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 18, 38 at magenta.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung nagta­nim ng kabutihan, may magandang aanihin. Malamang may surpresang matatanggap. Malamang may taong makakatulong sa problema. Malamang may magpapahiram ng pera kung kailangan. Malamang may mag-aalok ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 39, 42 at orange.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maliksi ang katawan at maganda ang pag-iisip subalit aagawin ng eksena ng pagkatamad, na dapat paglabanan.  Ang taong tamad, hikahos ang mapapala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 13, 33 at nile green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Nasa panig ngayon ang tagumpay kaya kung ano ang binabalak gawin, isakatuparan nang walang paltos. Kung magsisimula ng bagong proyekto, walang makakasagabal sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 24, 34 at tangerine.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NGAYON

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with