^

Kutob

Halimuyak ni Aya(31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NALUNGKOT si Nanay Cion sa sinabi ni Brenda na baka hindi na sila magtagal sa pagtira sa bahay ng mag-asawa.

“Huwag muna kayong aalis, Brenda. Paano si Sam?”

“Hindi pa naman po ngayon, Nanay. Iyon po ay balak ko pa lang. Iniisip ko lang po kasi ang kalagayan ni Aya.’’

“Paano kung pagba-­lik n’yo sa Maynila ay makita mo ang dati mong nobyo at kunin sa iyo si Aya.”

“Bahala na po. Bas­ta’t magkakamatayan kami kapag pinilit niyang kunin sa akin si Aya.’’

“E ang mga magulang mo, alam na ba ang nangyari?”

“Hindi pa po pero balak kong sabihin na sa kanila ang lahat. Nahihirapan na rin po akong magtago ng lihim. Lalo pa po ngayon at maysakit ang papa ko. Siguro po, doon muna kami dederetso sa aming bahay sa San Jose del Monte. Ipakikita ko ang anak ko.’’

“Sabagay mabuti ngang sabihin mo na ang lahat sa mga magulang mo. Mahirap na mayroong itinatago.”

“Totoo po, Nanay. Baka sisihin ko ang aking sa-rili kapag nawala na ang      aking mga magulang. Kaya habang malakas pa sila ay hihingi ako ng tawad.’’

“Pero huwag muna ka-yong aalis dito, Brenda.”

“Hindi po, Nanay. Sa-sabihin ko po kapag plan-tsado na ang plano.”

“Kawawa naman ang apo ko kapag nawala kayo ni Aya. Tingnan mo at ang saya-saya nilang dalawa. Magkasundung-magkasundo sila.’’

“Aalis po kami kapag hindi na sumususo sa akin si Sam. Mahirap pong iwan siya na ma-lakas pang sumuso.”

“Salamat Brenda. Ikaw na ang tinuturing kong ina ni Sam.”

“Kung gusto mo, Na­nay pag-alis ko, isama ko na rin si Sam para hindi sila magkalayo ni Aya.’’

“Ay, naku e di lalo na akong namatay sa lungkot.”

“Biro lang po.’’

Maya-maya, lumapit si Sam kay Brenda. Gustong sumuso.

“Halika Sam. Nagugutom na ba ang baby ko?” tanong ni Brenda.

Kumalong si Sam kay Brenda. Inilabas ni Bren- da ang suso at pinadede si Sam.

(Itutuloy)

AYA

BRENDA

HALIKA SAM

MAHIRAP

NANAY

PAANO

SALAMAT BRENDA

SAM

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with