^

Kutob

Marso 16, 2012

- Madam Rosa -

Pagtitibay: Diyos ang nagpapayaman sa akin.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang magbalak pumasok sa mga aktibidad na magastos. Mabu­ting suriin muna, mag-budget upang hindi mapasubo at nang walang pagsisihan. Pagtuunan ang pagpapaunlad ng professional skills. Iba kaysa sa iba  ang motibo ng taong may pangako sa usapan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at brown.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Pagtuunan ng pansin ang kalusugan at pag-aayos ng tahanan. Pagtuunan ng pansin ang nutrisyon, diet at ehersisyo. Mapag-aaralan ang aspetong pang-ekono­miya ng pamilya at mapag-aaralan kung kailan maglalabas at magtatago ng pera. Lucky numbers at color of the day ay 4, 6, 31, 39 at antique gold.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Depende sa edad kung hanggang saan ang iyong dapat asahan sa magi­ging income. Dapat huwag isaisang-tabi na maaring mangyari ang isang himala kung patuloy na magiging masipag, disiplinado­, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili upang magkaroon ng tiwala ang kapwa­ . Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak na Pisces o Capricorn. Doblehin ang pag-iingat kung ang pangalan ng kaibigan ay nagsisimula sa A, E o M. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang may unang titik sa pangalan na B, N o W. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  May ilang pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng sikreto ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ma­isasakatuparan ang gustong mangyari ngayon. Malakas ang ESP kaya sundin ang kutob at tiyak na hindi magkakamali. Magbibigay suwerte o kagalakan ang Virgo o isang Gemini. Lucky numbers at color for the day 3, 12, 28, 35 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magiging maganda ang aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataon na kumita ng ekstrang salapi. Magkakaroon ng kaunting kalituhan tungkol sa mga schedules o sa trabaho. Bago matapos ang araw, maisasaayos ang kaunting gusot sa trabaho o sa aspetong pampuso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Aanihin ngayon kung may itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang babalik. Supilin ang sobrang mapaghinala sa kapareha at sa kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga sariling kagamitan. Maaalalang maraming dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –  Positibo ang magiging pananaw at magsisimula ng maayos at masagana ang buong araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag kalimutan ang pagpapasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa dakong gabi, magiging maligaya ang pagsama sa minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagreresulba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi­ mabayaran. Iwasan ang maging matamlay at madadagdagan lamang ng suliranin sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero­ 19) – Mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad ng sarili. Mapapatunayan na ang pangako ng iba ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makapagpi­pigil, makakasagupa ng tao na hindi pinangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at white. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan at paraan upang ikaw ay manlamig. Ang makipagtikisan sa nakakataas sa tungkulin ay sarili ang maapektuhan. Sundin ang patakaran at alituntunin ng pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at green.

COLOR

DAY

LUCKY

MAGBIBIGAY

NUMBERS

PAGTUUNAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with