^

Kutob

Nobyembre 26, 2011

-

Pagtitibay: Kaligayahan at pagpapala ang nananalaytay sa akin bilang buhay na nilalang.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Ayusin ang pakikipagrelasyon ng hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa pamilya. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap,. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Malaki ang magiging bahagi ng isang Scorpio na may kinalaman sa sariling pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. May magandang balita na hatid ang isang Taurus. Lucky numbers at color for  the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Kalituhan ang hatid ng kapwa Aquarius na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang magiging papel ng isang Capricorn upang maipokus ang atensyon sa pag-a-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Lucky numbers at color for  the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Matutuon ang pag-iisip sa basic issues tulad ng pet care, general health o kung papaano mapapaunlad ang ikabubuhay. Lucky numbers at color for  the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Kung walang asawa, nakapokus ang isipan at atensyon sa pagpaplano na mag-asawa o magpakasal. Kung married, nakapokus ang pansin o atensyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. Lucky numbers at color for  the day ay 24, 28, 40, 43 at saphire blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Marami ang masayang pangyayari na maaaring maganap. Magiging pinakamasaya kung sa piling o pakikisama sa pamilya. Malaking papel ang gagampanan ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Mag-ingat sa daan, snatcher o hold-uppers. May pangyayari na magiging masaya o malungkot. Ang mahalaga ay maging handa sa anumang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at peach.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Magkakaroon ng mga activities. Dapat tapusin ang nasimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa pamilya. Lucky numbers at color for  the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Kung may balak na magbiyahe ng malapit o malayo, maisasakatuparan ng walang sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho at mahahanapan ng solusyon para manumbalik ang harmoniya. Lucky numbers at color for  the day ay 1, 20, 32, 39 at green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Ingatan ang kalusugan. Walang magiging problema sa aspeto ng pag-ibig. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makalilimutang pangyayari. Mahaharap ka sa maraming katanungan kaya dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 47 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Makapagpaplano ng pag-i-invest sa negosyo na may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at red.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

ANG CANCER

COLOR

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

MDASH

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with