Hunyo 8, 2009

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)- Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera. Itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22)- Malaki ang magiging bahagi ng Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangang timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid ang Aries at magbibigay ng aspetong legal ang kapwa Cancer. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

LEO (Hulyo 23-Ago. 22)- Malamang makasagupa ang isang Cancer o kapwa Leo na magbibigay ng hindi makalilimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)- Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpokus sa pag-iinvest o maging sa trabaho o may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)- Kung may balak magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmonya. Magiging stable ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang   1, 20, 32, 39 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)- Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)- Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharapin na pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

CAPRICORN (Dis. 22-Enero 19)- Magkakaroon ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang napasimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Peb. 18)- Kung walang asawa, nakapokus ang panahon at atensiyon sa pagpaplano sa pag-aasawa o pagpapakasal. Kung may asawa, nakapokus ang pansin o atensiyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na E o P. Maaaring magkaroon ng atraksiyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)- May masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang Capricorn. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasan na magselos o pagselosan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abril 19)- Kalituhan ang hatid ng kapwa Taurus na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Sagittarius upang mapokus ang atensiyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng may mga pangalan na ang unang titik ay A, B o D. Lucky numbers at color for  the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Magpokus sa pag-iisip at panahon sa pet care, general health o kung paano mapapaunlad ang buhay. Malaki ang maibabahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Taurus. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

Show comments