Disyembre 17, 2008

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o pag-aayos sa sarili. Walang magiging problema sa pinapasukan ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Bigyan ng limitasyon ang bawat gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Magkakaroon ng maraming aktibidad ngayon. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang nasimulang gawain bago magsimula ng panibago. Inaayunan ang pakikipagsosyalan lalo na kung tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Mapopokus ang atensiyon sa pagpapalano ng kasal kung walang asawa. Sa mga may asawa naman, ang iyong panahon ay igugugol sa kaunlaran ng pamumuhay at pamilya. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na A o E. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - May masayang pangyayari ang posibleng maganap. Magiging pinakamasaya sa piling ng Taurus. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasang pagselosan o magselos. Malaki ang gagampanan sa pampersonal na aspeto ng isang Aquarius o kapwa Pisces. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Kalituhan ang hatid ng kapwa Aries na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Libra upang mapokus ang atensiyon sa pag-aabroad o pagbili ng lupa at bahay. Malaki ang magiging kontribusyon ng may pangalang nagsisimula sa C, D. o E. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28,31, 44 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) - Huwag magpabigla-bigla sa pagdedesisyon. Mapopokus ang isipan at panahon sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Taurus sa trabaho. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla sa aspetong may kinalaman sa pag-aasawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 28, 32, 35 at tangerine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21) - Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na sa pera at alahas. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap o ambisyon, pananalapi at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3,24, 31, 39 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Cancer na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangang timbangin ang mga pangyayari ng nakaraan. May magandang hatid na balita ang Leo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 23, 45 at maroon.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Malamang makasagupa ang isang Cancer o Taurus na magbibigay ng hindi malilimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ang maraming katanungan kaya nakasentro ka sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Malaki ang magiging bahagi ng isang kapwa Virgo o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Kung may balak magbiyahe ay walang magiging sagabal. Mauunawaan ngayon ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang mapanumbalik ang harmonya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansiyal. Magplano at hanapan ng paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o kapwa Scorpio ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 21, 33, 35 at indigo.

Show comments