^

Kutob

Nobyembre 29, 2008

- Madam Rosa -

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Kung may balak magbiyahe nang malapit o malayo, walang magiging sagabal. Mauunawaan ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmonya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 38 at jade green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansiyal. Ang Cancer, Taurus o kapwa Capricorn ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 13, 33, 35 at indigo.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o pag-aayos sa sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - May nakaambang masangkot sa isang aksidente o disgrasya. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang napasimulang trabaho bago magsimula ng panibago. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Kung walang asawa, nakapokus ang panahon at atensiyon sa pagpaplano ng kasal. Kung may asawa naman, ang atensiyon ngayon ay nakasentro sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na D o E. Maaaring magkaroon ng atraksiyon sa isang Libra. Lucky numbers at color for the day ang 2, 28, 40, 43 at sapphire blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - May masayang pangyayari na posibleng maganap. Magiging pinakamasaya sa piling ng isang Taurus. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan sa personal na aspeto ng Aquarius o kapwa Virgo. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Kalituhan ang hatid ng kapwa Gemini na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Libra upang mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay. Malaki ang magiging kontribusyon ng taong may B ang unang titik ng pangalan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Mapopokus ang pag-iisip at panahon sa pagpapalawak ng kaalaman sa kalusugan o pagpaplanong mapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Scorpio sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Ayusin at timbangin ang mga impormasyong makakalap nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na sa alahas at pera. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tama ang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap at ambisyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Malaki ang kontribusyon ng kapwa Virgo na may kinalaman sa pangarap, edukasyon at promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangang timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid na balita ang Leo at magbibigay ng kasiyahan ang Aries. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 43 at carnation pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Malamang makasagutan ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mabibigyan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ang maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Malaki ang magiging bahagi ng isang kapwa Pisces o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest sa fashion o may kinalaman sa trabaho. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 37, 42 at red.

vuukle comment

ANG CANCER

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

MAKAKASAGUPA

MALAKI

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with