^

Kutob

Oktubre 24, 2008

- Madam Rosa -

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Kalituhan ang hatid ng kapwa Scorpio na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Libra upang mapokus ang atensiyon sa pag-aabroad. Malaki ang magiging kontribusyon ang may unang titik sa pangalan na C, D o E. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Mapopokus ang pag-iisip at panahon kung paano mapapaunlad ang kabuhayan. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na may kinalaman sa mag-asawa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo ang mga alahas at pera. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang pananalapi at ambisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 31, 39 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Aquarius na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay at promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailanganing timbangin ang mga pangyayari ng nakaraan. May magandang hatid na balita ang isang Leo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Malamang makasagupa ang isang Cancer o Taurus na magbibigay ng hindi makalilimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro ka sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Malaki ang magiging bahagi ng isang Virgo o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil may posibilidad na dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Kung may balak magbiyahe ay walang sagabal na magaganap. Mauunawaan ngayon ang ipinagtampo ng kasambahay, kaibigan o minamahal. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmonya.   Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 33 at emerald green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapan ng paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 33, 35 at indigo.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o pag-aayos sa sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Magkakaroon ng maraming aktibidades. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang nasimulan bago mag-umpisa ng panibago. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak mag-abroad. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Mapopokus ang araw sa pagpaplano ng kasal para sa mga walang asawa. Kung may asawa naman, ang pansin at atensyon ay mapopokus sa pagpapaunlad ng pamumuhay para sa pamilya. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Libra. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - May masayang pangyayari na maaaring maganap. Magiging pinakamasayang nilalang sa piling ng isang Taurus. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasan ang magselos o pagselosan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

MAKAKASAGUPA

MALAKI

MAPOPOKUS

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with