Oktubre 18, 2008

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Magiging kabigha-bighani ang iyong pagkatao. May kadaldalan ngayon at palagay naman ang loob ng mga nakikinig. Malakas ang bato-balani ng pagkukumbinsi kaya’t kayang hikayatin ang kahit na sino. Maganda ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 21, 32 at blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Magiging malambing, maalalahanin at maunawain ang minamahal. Kung may sikretong itinatago, ngayon ang tamang pagkakataon para ito sabihin sa kanya. Kung ito ay ipaglilihim pa sa kanya, maghanda dahil lumalandas na ito ay madiskubre at malaking gulo ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 37 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Isang isyu na nabaon na sa limot ang muling mauungkat at dahil dito ay masisira ang mood at mag-iinit ang ulo. Alalahaning ang nakaraan ay hindi na maibabalik. Isipin na ang masamang nakaraan ay mapupulutan ng magandang leksyon para magkaroon ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 33, 42 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Hindi masamang mangarap ngunit kung inaakalang talagang hindi kaya ay huwag nang ipilit dahil kapahamakan ang aabutin. Huwag pangaraping maangkin ang bagay na talagang hindi nakalaan sa iyo. Kung talagang ukol ay bubukol. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 28, 39 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Maging simple at iwasan ang maging maluho upang hindi madagdagan ang problema. Makisayaw sa tugtog ng panahon upang hindi maging emosyonal. Tawanan ang problema at huwag hayaang magkaroon ng puwang sa isipan dahil ang solusyon ay bigla na lamang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 21, 33, 40 at scarlet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Kung isang empleyado at hindi nagugustuhan ang kasalukuyang trabaho, ngayon gumawa ng hakbang upang matupad ang pangarap. Isang tulay ng kaunlaran ang biglang susulpot sa harapan. Ang desisyong gagawin ang magiging batayan ng iyong kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 19, 33, 37, 38 at maroon.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Kung may usok, tiyak may apoy. Kung may bawal na relasyon, magbago upang hindi masira ang reputasyon. Kalasan ang sikretong relasyon sa lalong madaling panahon dahil lumalandas sa pagkabunyag. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 20, 35 at beige.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Tama lamang pag-isipan at pag-aralan kung ano ang karapat-dapat gawin sa buhay dahil sa mga negatibong pangyayari at nagaganap. Bawasan ang mga barkadang hindi nakatutulong sa iyong pag-unlad at nakasisira pa ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 29, 39 at jade green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Maglaan ng oras upang mapag-ukulan ng sapat na panahon ang pamilya o minamahal. Hindi masama ang maging workaholic subalit kailangan pa ring bigyan ng oras at atensiyon ang pamilya. Sabik din silang ikaw ay makapiling. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 33, 42 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Mag-ingat sa grupong sasamahan at baka wala kang kamalay-malay ay masangkot ka sa hindi magandang gawain. Huwag sayangin ang oras sa walang kuwentang usapan o gawain. Hindi mo inaasahan kaya’t magugulat na lamang na isa sa iyong kasambahay ay magpapaalam o mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 31 at tangerine.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Mapapansing inaabuso na ang iyong kabaitan. Tingnan at pag-aralan ang sitwasyon at gumawa ng madaliang pasya para sa sariling kapakanan. Huwag nang hintaying pang lumala ang sitwasyon bago ito ituwid. Tamang desisyon at pagkilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 17, 35 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Bigyan ng kaunting panahon upang mapag-aralan ang isang biglaang desisyon upang hindi magsisi. Alalahaning kadalasan ay walang idinudulot na buti ang desisyong hindi pinag-isipan nang mabuti. Magkakaroon ng panandaliang pagtatalo sa tahanan. Lucky colors at number for the day ang 15, 30, 34, 47 at blue sapphire.

Show comments