Setyembre 19, 2008

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Maging positibo sa pananaw sa buhay. Huwag isipin ang paninira ng isang malayong kaibigan dahil malaking epekto ito sa iyong kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 32, 41 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Mag-ingat at huwag maniwala sa sinasabi ng minamahal. May balakid sa binabalak gawin subalit magtatagumpay kung itutuloy. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 30, 39 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Isang matalik na kaibigan ang dadalaw sa iyo. May dala siyang pasalubong ngunit mag-ingat sa pagkain ng karne dahil baka magkasakit. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 32, 41 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Magtatagumpay sa nais na mangyari sa pag-ibig kung walang bahid na masamang pakay. Hindi mapapansin ang pananakit ng katawan dahil sa pag-ibig na nagbibigay galak sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 16, 37 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Pag-aralang mabuti ang suhestiyon ng isang kaibigan hinggil sa isang problema. Kailangang kilatisin at mamili ng kaibigan upang maiwasan ang masamang impluwensiya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 15, 32 at ocean blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon sa araw na ito. Maaaring maging dahilan ito ng malaking pagkalugi sa negosyo o pagkapalpak sa mahalagang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 17, 25 at blue gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Magiging makakalimutin sa araw na ito. May magbubunyag ng sikreto tungkol sa isang kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 28, 33 at royal blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Mabubugnot sa sarili dahil sa problema sa pag-ibig. Hindi mauunawaan ang mga pangyayari sa paligid na ang pakiramdam ay parang lumulutang sa hangin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 36, 42 at cream.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Magpaparamdam ang ilang kaibigan ng kanilang pagtatampo sa iyo dahil sa hindi mo pagtupad sa pangako. Matutong humingi ng patawad kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 27, 34 at peach.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Kaduda-duda ang ikinikilos ng minamahal. Mayroon siyang gustong ipahiwatig kaya maging alerto o komprontahin siya upang mabatid ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 20, 30 at aquamarine.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Lumapit sa isang kaibigan na alam mong makapagtuturo kung paano kumita nang malaki. Tiyak namang tutulungan ka niya upang makaiwas ka sa masamang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 15, 32 at pink.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Balansehin ang ginagastos at kinikita. Maaaring malaki ang gastos kaysa sa kinikita. Gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 23, 36 at apple green.

Show comments