^

Kutob

Marso 24, 2008

- Madam Rosa -

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Kalituhan ang hatid ng kapwa Aries na maaa­ring pagsimulan ng sigalot, pagse­selos o inggit. Malaki ang papel ng Libra upang mapokus ang atensyon sa pag-aabroad.  Lucky num­bers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Mapopokus ang pag-iisip at panahon kung paano mapapaunlad ang ka­bu­hayan. Malaki ang magiging bahagi ng Ge­mini, Capricorn o kapwa Taurus sa trabaho. Mag­­pakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na may kinalaman sa mag-asawa upang maiwasan ang hindi pagkakau­nawaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo ang mga alahas at pera. Itago nang ma­buti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga, pana­na­­la­pi at ambisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 31, 39 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Ma­laki ang magiging bahagi ng kapwa Cancer na may kinalaman sa pa­nga­­rap, edukasyon, paglalakbay at promos­yon. Makakaharap ng pagsubok na kailangan timbangin ang mga pangyayari ng naka­raan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Malamang makasagupa ng isang Cancer o Tau­rus na magbibigay ng hindi ma­ka­­lilimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng pa­nahon ang tungkol sa mga binabalak o am­bisyon. Makakasagupa ng maraming katanu­ngan kaya nakasentro ka sa kaliga­yahan  o ka­lungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Malaki ang magiging bahagi ng isang kapwa Virgo o Aquarius na maaa­ring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil may posibilidad na dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -  Kung may balak magbiyahe ay walang sagabal na magaganap. Mauu­na­­­waan ngayon ang ipinagtampo ng ka­sam­­bahay, kaibigan o minamahal. Maha­ha­­­napan ng solusyon ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 33 at emerald green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Inga­tan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kala­gayang pinansyal. Magplano at hanapan ng paraan upang magkaroon ng ekstrang pag­ka­kakitaan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 33, 35 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Mai­sasaayos ang suliranin tung­kol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa ka­hu­sayan sa trabaho o pag-aayos sa sarili. Wa­lang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Mag­kakaroon ng maraming akti­bidades. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang nasimulan bago mag-umpisa ng pani­bago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na kung tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak mag-abroad. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Mapopokus ang araw sa pagpa­pla­no ng kasal para sa mga wa­lang asawa. Kung may asawa naman, ang pan­sin at atensyon ay mapopokus sa pag­papaunlad ng pamumuhay para sa pamilya. May hatid ng kakaibang balita ang may inis­yal na A o S. Lucky color at numbers for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - May masayang pangyayari na maaa­ring maganap.  Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasan ang mag­selos o pagse­losan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink

vuukle comment

COLOR

DAY

LUCKY

MALAKI

MAPOPOKUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with