^

Kutob

Marso 18, 2008

- Madam Rosa -

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Magiging kabigha-bighani ang iyong pagkatao. May kadaldalan ngayon at palagay naman ang loob ng mga nakikinig. Malakas ang bato-balani ng pagkukumbinsi at kayang hikayatin ang kahit na sino. Maganda ang takbo ng negosyo. Lucky num­bers at color for the day ang 10, 14, 21, 32 at blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Magiging ma­lambing, maalalahanin at maunawain ang minamahal. Kung may sikretong iti­natago, ngayon ang tamang pagkakataon para ito sabihin sa kanya. Kung ito ay ipaglilihim pa sa kanya, mag­handa dahil lumalandas na ito ay madiskubre at ma­la­king gulo ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 37 at aquamarine.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Isang isyu na nabaon na sa limot ang muling mau­ung­kat at dahil dito ay masisira ang mood at mag-iinit ang ulo. Alalahaning ang nakaraan ay hindi na maibabalik. Isipin na ang masamang naka­raan ay mapupulutan ng magandang leksyon para magkaroon ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 33, 42 at white.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Hindi masa­mang mangarap ngunit kung inaakalang talagang hindi kaya ay huwag nang ipilit da­hil kapahamakan ang aabutin. Huwag pangara­ping maangkin ang bagay na talagang hindi naka­laan sa iyo. Kung talagang ukol ay bubukol. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 28, 39 at dollar green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Maging sim­ple at iwasan ang maging maluho upang hindi madagdagan ang problema. Makisayaw sa tugtog ng panahon upang hindi ma­ging emosyonal. Tawanan ang problema at huwag hayaang magkaroon ng puwang sa isipan dahil ang solusyon ay bigla na lamang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 21, 33, 40 at scarlet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Kung isang empleyado at hindi nagugustuhan ang kasalukuyang trabaho, ngayon gumawa ng hakbang upang matupad ang pangarap. Isang tulay ng kaunlaran ang biglang susulpot sa harapan. Ang desisyong gagawin ang magiging batayan ng iyong kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 19, 33, 37, 38 at maroon.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Kung may usok, tiyak may apoy. Kung may bawal na relasyon, magbago upang hindi ma­sira ang reputasyon. Kalasan ang sikretong re­lasyon sa lalong madaling panahon dahil luma­landas sa pagkabunyag. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 20, 35 at beige.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -  Tama la­mang pag-isipan at pag-aralan kung ano ang karapat-dapat gawin sa buhay dahil sa mga negatibong pangyayari  at naga­ga­nap. Bawasan ang mga barkadang hindi naka­tutulong sa iyong pag-unlad at nakasisira pa ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 29, 39 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Maglaan ng oras upang mapag-ukulan ng sapat na panahon ang pamilya o minamahal. Hindi masama ang maging workaholic subalit kailangan pa ring bigyan ng oras at atensiyon ang pamilya. Sabik din silang ikaw ay makapiling. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 33, 42 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Mag-ingat sa grupong sasamahan at baka wala kang kamalay-malay ay na­sangkot ka na sa hindi magandang gawain. Hu­wag sayangin ang oras sa walang kuwentang usa­pan o gawain. Hindi mo  inaasahan kaya’t ma­gu­gulat na lamang na isa sa iyong kasam­bahay ay magpapaalam o mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 31 at tangerine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Ma­pa­pansing inaabuso na ang iyong ka­baitan. Tingnan at pag-aralan ang sit­was­yon at gumawa ng madaliang pasya para sa sariling kapakanan. Huwag nang hintaying pang lumala ang sitwasyon bago ito ituwid. Tamang de­sisyon at pagkilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 17, 35 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Bigyan ng kaunting panahon upang mapag-aralan ang isang biglaang desisyon upang hindi magsisi. Alalahaning kadalasan ay walang idinudulot na buti ang desisyong hindi pinag-isipan nang mabuti. Magkakaroon ng panandaliang pagtatalo sa tahanan. Lucky colors at number for the day ang 15, 30, 34, 47 at blue sapphire.

vuukle comment

ALALAHANING

COLOR

DAY

LUCKY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with