^

Kutob

Enero 29, 2007

- Madam Rosa -
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Huwag palawakin ang alitan sa pagitan ng kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan. Kailangang paminsan-minsan ay ikaw ang magpakumbaba. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa pagtatampo o sa pagsasawalang imik. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 36, 42 at ocean blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) -
Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak na magugustuhan ka niya. Tanggalin ang pagkaplastik. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 18, 21, 25, 36 at beige.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) -
Kung inaakalang hindi tama ang pagsagot sa manliligaw ng "oo," makabubuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng mga magulang o kaibigan tungkol sa iyong pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan upang patagalin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 34, 39 at green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) -
Maganda ang personalidad mo ngayon na aakit sa mga kaibigan. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na A o D ay may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 37, 39 at orange.

GEMINI (May. 21 Hun. 21) -
Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag mag-malabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makatutulong sa hinahangad at mag-aaksaya ka lamang ng panahon dahil walang idudulot na kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 21, 36, 33 at indigo.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) -
Marami ang makakapuna sa pagbabago ng iyong ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natatanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin ito kung ipaiiral ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap at mahalaga ang kanyang mga payo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 26, 41 at pink.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) -
Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema at hindi sa dahas. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan at huwag isisi sa iba. Hanapin ang paraan upang maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung ayaw masira ang pagsasama o maging sawi sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 29, 40 at lavander.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) -
Maging mahinahon at mapagpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan, kaibigan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 22, 42 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -
Huwag magdamdam kung hindi matupad ang pangako o ipinangako dahil ganoon din ang iyong gawain. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 31, 41 at brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) -
Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makakapag-isip nang maganda at tamang solusyon. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang iyong gusto. Lucky numbers at color for the day ang 16, 26, 38, 42 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) -
Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 35, 41 at magenta.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) -
Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresolba dahil sa iyong pagtatapat o pagtatapat niya. Malaki ang pasalamat ng minamahal o kaibigan dahil sa ginawang mong tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit wala kang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31, 38 at violet.

vuukle comment

ALALAHANING

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with