^

Kutob

Enero 13, 2007

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) - Makiramdam ka sa ikinikilos ng iyong minamahal dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig. Kung hindi niya sasabihin, ikaw na ang magtanong aat kasiyahan sa kanya ang iyong gagawin. Maaayos ang pinansiyal na pangangailangan sa linggong ito ngunit huwag magtiwalang maging magastos dahil baka kapusin sa hindi maiiwasang gastusin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 35, 42 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) -
Hindi magdududa ang mga kakilala sa taglay mong lakas dahil sa iyong pangangatawan ngunit ang totoo ay mahina ang iyong kalusugan. Ang karagdagang oras sa trabaho ay hindi pabor para sa iyo. Mas gugustuhin niya ang isang tulad mo dahil sa iyong pagiging mahinahon at maalalahanin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 28, 36 at garnet.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) -
Makukuntento ka sa magandang pagtingin niya sa iyo pero huwag magtiwala dahil pakitang-tao lamang ito. Unti-unti mong matatanggal ang iyong mga masasamang bisyo. Ituloy ito upang magtagumpay. Malalagay sa panganib ang napagkakitaan kung luho ang palaging nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at baby blue.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) -
Magiging pasensiyoso ka sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito. Malakas ang dating mo sa mga kaibigan, kasamahan, kasambahay at tagahanga. Magigipit ka dahil sa pagiging magastos at mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 31, 41 at white.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) -
Galak at tuwa ang mararamdaman mo sa piling ng minamahal o mga mahal sa buhay. Mapapawi ang iyong negatibong enerhiya sa ugali ng iyong makakasalamuha. Matatanggalan ka ng ilang pribilehiyo sa iyong katungkulan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 39, 41 at maroon.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21) -
Madamdamin ang magiging araw mo sa piling ng sinusuyo kaya’t hanggat maaari ay iwasang magkatagpo o magkalapit. Malalagay sa peligro ang iyong mga ari-arian kung hindi iingatan. Hindi mo mapipigilan ang sariling bumigay o magpaunlak sa paanyaya ng masasamang barkada. Dapat itong iwasan dahil mapapahamak ka lamang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 21, 29 at cadet blue.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) -
Magkakaroon ka ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho o tahanan kung hindi mag-iingat. Masuwerte ka sa piling ng minamahal kaya siya ang dapat mong makasama. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na makapagpapairita sa iyong kutis at balat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 12, 25 at orange.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) -
Sa wakas, makikita mo na ngayon ang kagandahan ng walang iniibig dahil malaya ka na rito. Mahihirapan kang mag-isip ng mga bagong ideya ngunit huwag tantanan dahil sa kalaunan may magandang ideya kang maiisip. Magiging matalas ang iyong memorya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 27, 38 at burgundy.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) -
Mawawalan ka ng suporta sa mahalagang sektor ng lipunan ngunit hindi sa pamilya at minamahal. May matututuhan kang bagong kaalaman sa tamang pagkain at sa pakikisama. Ang pagbisita ng isang kaibigan ay magbubunga ng magandang resulta at may ideya kang mapupulot. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 33, 41 at violet.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) -
Hindi mo maiiwasang gumastos ngayon sa hindi gaanong kailangan dahil may sobra kang pera sa bulsa. Aaliwin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pamamasyal at pamimili. Iukol mo ang iyong panahon sa pag-aayos ng sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 28, 41 at lilac.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) -
Hindi ka mahihiyang ipakita ang magandang pangangatawan dahil hahangaan ka. Hindi makabubuti sa iyo ang magaganap sa miting o pagpupulong dahil panay tutol ang iba sa iyong mga panukala. Gayunpaman makakamit mo ang tagumpay sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) -
Mababaon sa limot ang isang masalimuot na alaala ng lumipas. Maaayos mo na ang iyong schedule na sadyang nagpagulo ng iyong mga aktibidades. Mapupunta sa wala ang napundar mo kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Maging alerto sa apoy o magnanakaw. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 27, 37 at purple.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

IYONG

LUCKY

MAAAYOS

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with