Disyembre 19, 2006

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) - Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19)
- Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makabubuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon dahil sarili ang nakataya. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang susundin dahil sarili ang nasa panganib. Kung bukal sa puso ang gawin ay walang dahilan upang patagalin. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18)
- Marami ang makakapuna sa pagbabago ng iyong ugali. Huwag magmalaki sa natanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin ito kung ipaiiral ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng mga pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20)
- Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapan ng paraan upang maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahalan kung nasa kaloobang ayaw ng broken home o broken-hearted. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavander.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19)
- Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi ka makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahaning laging naka-suporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang iyong gusto. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuschia.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20)
- Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi sa alok. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21)
- Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil marami kang karibal at kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak na magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22)
- Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22)
- Isang suliranin na matagal nang bumabagabag sa kalooban ang mareresolba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong na walang ibang inaasahan kundi ikaw. Maaaring magkaroon ka ng suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23)
- Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan nang matagal. Kailangang paminsan-minsan ay ikaw ang magbaba ng iyong pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23)
- Maganda ang personalidad mo ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na D o C ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22)
- Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.

Show comments