Nobyembre 02, 2006

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) - Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpaplano sa pag-iinvest sa negosyo na may kinalaman sa fashion, news o buy ang sell. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21)
- Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera. Itagong mabuti at may babalang mawalan. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa pamilya. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at blue.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19)
- Malaki ang magiging bahagi ng isang Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailanganin timbangin ang mga pangyayari. May magandang balitang hatid ang isang Taurus at magbibigay ng aspetong legal ang isang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45- at maroon.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18)
- Kalituhan ang hatid ng kapwa Aquarius na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang magiging papel ng isang Capricorn upang mapokus ang atensyon sa pag-abroad o pagbili ng lupa’t bahay. Malaki ang maging kontribusyon ang may pangalan may unang titik na A, G o N. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at Dollar Green.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20)
- Huwag magpabigla-bigla sa pag-aksiyon o pagdedesisyon. Pag-aralang mabuti ang sitwasyon. Matutuon ang pag-iisip at panahon sa basic issues tulad ng pet care, general health o kung papaanong mapapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o Aries sa magaganap ngayon. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla kung may kinalaman sa mag-asawa ang problema. Lucky umbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

ARIES. (Mar. 21 - Abr.19)
- Kung walang asawa, nakapukos ang isipan at atensyon sa pagpaplano upang mag-asawa o pagpapakasal. Kung married , nakapokus ang pansin o atensiyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang kamag-anak o kaibigan. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20)
- Maraming masasayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya kung nasa piling ng pamilya. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi magiging maingat sa paggastos. Hindi maiiwasang magselos o pagselosan kaya mag-ingat. Malaking papel ang gagampanan ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at Pink.

GEMINI (May 21 - Hun. 21)
- Magiging mahalaqa ang pagdalaw sa libingan ng mga yumaong minahal. Mag-ingat sa daan, snatcher o holduppers. May pangyayari na maging masaya o malungkot. Ang mahalaga ay maging handa sa anumang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at peach.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22)
- Magkakaroon ng mga activities. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat sa anumang mangyayari. Dapat tapusin ang napasimulan bago magsimula ng panibago. Naaayong makipagsosyalan lalo na kung ang affairs ay tungkol sa pamilya. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak lumisan mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22)
- Kung may balak magbiyahe ng malapit o malayo, maisasakatuparan nang walang sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtampo o ikinagalit ng kasambahay o katrabaho at mahahanapan ng tamang solusyon upang manumbalik ang harmonya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at green.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23)
- Ingatan ang kalusugan. Walang problema sa aspeto ng pag-ibig. Kailangan ng maselang pagpaplano tungkol sa pinansyal lalo na sa mga gastusin. Magplano at hanapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23)
- Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makakalimutang karanasan. Pagtuunan ng pansin at panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon upang makamit ang tagumpay. Makakaharap ka sa maraming katanungan kaya dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at violet.

Show comments