^

Kutob

Setyembre 10, 2006

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makabubuting pag-isipan muna ng maraming ulit bago magdesisyon. Huwag ang opinyon ng kaibigan o kamag-anakan tungkol sa pag-ibig ang sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan upang patagalin pa ito. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) –
Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan o inaaplayang trabaho dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoo mong ugali at tiyak na magu-gustuhan ka ng nililigawan. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak at pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) –
Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan ng matagal o maging landas ng pagkakahiwalay. Kailangang paminsan-minsan ikaw ang magpakumbaba. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa pagtatampo o pagsasawalang-imik. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) –
Isang suliranin na matagal nang bumabagabag sa kalooban ang mareresolba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong na hindi niya inaasahan. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) –
Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang makapagbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) –
Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang ideya at solusyon. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ikatakot. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto o ibig mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fushia.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) –
Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako sa iyo dahil gawain mo rin ito. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magagalit nang walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) –
Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang makapagsalita na ikakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) –
Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema hindi sa dahas at galit. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay iyong kasalanan. Hanapin ang paraan upang mabalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung nasa kalooban. Ayaw ng broken home o maging broken-hearted. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavander.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21) –
Marami ang nakakapuna sa pagbabago ng iyong ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan dahil mababawi ito kung ipaiiral ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap at huwag siyang biguin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) –
Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan at kalusugan. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makatutulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) –
Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na A o N ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

vuukle comment

ALALAHANING

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with