^

Kutob

Mayo 26, 2006

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang solusyon o ideya. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal kaya’t walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color of the day ang 6-25-38-42 at fuschia.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Huwag asahan ang pangako dahil may pagkakataong mapapako ito at laking suwerte lamang ito kung matutupad. Asahan ang sariling sikap at makakamit lamang ang gusto kung magtitiyaga. Walang iba kundi ikaw lamang ang gumagawa ng sariling kinabukasan. Lucky numbers at color of the day ang 14-24-31-41 at violet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Magpakahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang di-pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-22-41 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa pinapasukan o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili ay walang dahilan para tanggihan ang alok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color of the day ang 16-27-35-41 at magenta.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang ipinangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katwiran ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 2-4-33-41 at brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapan ng paraan upang maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahalan. Ito ay kung ayaw ng broken home. Lucky numbers at color of the day ang 1-9-29-40 at lavender.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kung mahal ang sarili, walang masama kung pag-aaralan munang mabuti ang anumang bagay bago magdesisyon. Ang padalus-dalos na kilos na malimit gawin ay makailang ulit nang pumalpak kaya’t maging aral na ito. Ibase ang mga palpak na karanasan bago magdesisyon upang hindi na mabigong muli. Lucky numbers at color of the day ang 18-20-38-43 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Marami ang nakapuna sa iyong pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo at magmalaki sa natatanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin ito ng tadhana kung ipaiiral ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color of the day ang 6-15-26-41 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo sa tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na J o R ang may lihim na paghanga at posibleng magtapat ng kanyang saloobin. Lucky numbers at color of the day ang 7-20-37-39 at orange.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Kung babaguhin ang ugali na kinaiinisan ng kasambahay, kaibigan o kasamahan, tiyak malaking suporta sa ikauunlad ng sarili. Lalayuan ng kahit na sino kung mayabang, masungit, sinungaling at wala nang magaling kundi sarili. Baguhin ang dapat baguhin sa sarili upang umunlad. Lucky numbers at color of the day ang 1-2-43-44 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Maraming mukha ang pag-ibig. Nandiyan ang kaligayahan at tuwa, hinanakit at luha, tiis at ginhawa at marami pang iba. Kung handa sa mga nabanggit, tanggapin ang alok o sundin ang gusto. Panahon na para lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 9-29-36-42 at navy blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Magpasalamat sa Poong Maykapal at sa mga taong nakatutulong sa kasalukuyang tinatamasa upang tuluy-tuloy ang suwerte. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay tiyak hindi makararating sa paroroonan. Nasa tamang landas ang pag-angat sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-25-36 at beige.

vuukle comment

ALALAHANING

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with