^

Kutob

Enero 16, 2006

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho o sa tahanan. Masuwerte sa piling ng minamahal. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na magbibigay ng pagkairita sa balat. Lucky numbers at color of the day ang 5-7-12-25 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Sa wakas, makikita na ngayon ang kagandahan ng walang iniibig dahil malaya ka na rito. Mahihirapang mag-isip ng mga bagong ideya ngunit huwag tantanan dahil kalaunan ay may magandang ideyang maiisip. Lucky numbers at color of the day ang 1-12-27-38 at burgundy.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Mawawalan ng suporta sa mahalagang sector ng lipunan ngunit hindi sa pamilya at minamahal. May matututunang bagong kaalaman sa tamang pagkain. Ang pagbisita ng isang kaibigan ay magbubunga ng magandang resulta. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-33-41 at violet.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Hindi maiiwasang gumastos ngayon sa hindi gaanong kailangan. Aaliwin ang sarili sa pamamagitan ng pamamasyal at pamimili. Iukol ang panahon sa pag-aayos sa sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color of the day ang 15-19-28-41 at lilac.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Hindi manghihinayang ipakita ang magandang pangangatawan dahil marami ang humahanga rito. Hindi makabubuti sa iyo ang magaganap na meeting o pagpupulong dahil panay tutol sa iyong mga panukala ang karamihan dito. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Mababaon sa limot ng isang masalimuot na alaala. Maaayos ang schedule na sadyang nagpapagulo sa iyong mga aktibidades. Mapupunta sa wala ang naipundar kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Lucky numbers at color of the day ang 2-18-27-37 at purple.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Makiramdam sa ikinikilos ng minamahal dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig. Kung hindi sasabihin, ikaw na ang magtanong. Maaayos ang pinansyal na pangangailangan sa linggong ito ngunit huwag magtiwalang maging magastos dahil baka kapusin sa hindi maiwasang gastusin. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-35-42 at fuschia.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Hindi magdududa ang mga kakilala sa taglay na lakas dahil sa iyong pangangatawan ngunit ang totoo, mahina ang resistensiya ngayon. Ang karagdagang oras sa trabaho ay hindi pabor sa iyo. Mas gugustuhin ng nakatataas ang isang tulad mo dahil sa iyong kahinahunan at pagkamaalalahanin. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-28-36 at garnet red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Makukuntento sa mabuting pagtingin sa iyo. Unti-unting natatanggal ang mga masasamang bisyo. Malalagay sa panganib ang napagkakitaan kung luho ang palaging nasa isip. Lucky numbers at color of the day ang 9-16-24-39 at baby blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Magiging pasensiyoso sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito. Malakas ang dating ngayon sa mga humahanga. Magigipit dahil sa pagiging magastos at mapagbigay. Lucky numbers at color of the day ang 4-22-31-41 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Galak ang mararamdaman sa piling ng minamahal. Mapapawi ang negatibong enerhiya sa ugali ng iyong makakasalamuha. Matatanggalan ng ilang pribilehiyo. Lucky numbers at color of the day ang 5-13-39-41 at maroon.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Madamdamin ang magiging araw mo sa piling ng sinusuyo. Malalagay sa peligro ang mga ari-arian kung hindi mag-iingat. Huwag bumigay sa mga paanyaya o magpaunlak sa masasamang barkada dahil siguradong kapahamakan ang nakaabang. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-21-29 at navy blue.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

LUCKY

MAAAYOS

MALALAGAY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with