^

Kutob

Disyembre 22, 2005

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo ang mga alahas at pera. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 3-24-31-39 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o kapwa Aquarius na maaaring ikaligaya. Mapopokus sa pag-iinvest sa trabaho o may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate. Lucky numbers at color of the day ang 4-10-37-42 at red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Malamang makasagupa ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makalilimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan, kalungkutan o pagkainis. Lucky numbers at color of the day ang 2-25-41-47 at corn yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o kapwa Aries ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color of the day ang 6-21-33-35 at indigo.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Kung may balak magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal. Mauunawaan ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay, kasuyo o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmonya. Lucky numbers at color of the day ang 1-20-32-39 at jade green.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Magkakaroon ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang napasimulan bago magsimula ng panibago. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 4-25-43-45 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil mahusay magtrabaho o mag-ayos sa sarili. Walang magiging problema sa pinapasukan ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Maghunus-dili. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-24-44 at crimson.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– May masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling ng isang Capricorn. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng isang Aries o Pisces na ikaliligaya. Lucky numbers at color of the day ang 21-29-36-42 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Hindi magiging komportable sa biro ng ilang taong makakakuwentuhan kaya’t hangga’t maaari ay iwasan ang grupo. Malaking bagay ang umiwas sa gulo. Gamitin ang bakanteng oras sa makabuluhang bagay upang may mapalang kabutihan. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na B o C. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color of the day ang 24-28-40-43 at sapphire blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag magpabigla-bigla sa aksyon o desisyon. Mapopokus ang isip at panahon sa pag-aalaga ng hayop, kalusugan o kung papaanong mapapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o Taurus sa gagawin. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na kinalaman sa pag-aasawa. Lucky numbers at color of the day ang 2-27-32-35 at tangerine.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Kalituhan ang hatid ng Leo na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Sagittarius upang mapokus ang atensyon sa pag-a-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng taong may A, C o M ang unang titik ng pangalan. Lucky numbers at color of the day ang 19-28-31-44 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Malaki ang magiging bahagi ng Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganing timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid na balita ang isang Taurus. Lucky numbers at color of the day ang 14-19-23-45 at maroon.

vuukle comment

ANG CANCER

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

MALAKI

NUMBERS

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with