^

Kutob

Agosto 14, 2005

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging masaya ang susunod na mga araw ngunit ngayon ay may katamlayan. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na importante sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color of the day ang 13-26-32-41 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Isiping mabuti ang mga dapat gawing hakbang. Lalong makasasama sa binabalak ang mga desisyong walang katuturan. Pag-isipan ang kalalabasan ng gagawin kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa kapwa at sarili. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-27-37 at lilac.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Huwag mainis kung maging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patunguhang maganda ang iyong mga pinaghirapan. Huwag maging waldas lalo sa walang kabuluhang mga bagay. Lucky numbers at color of the day ang 10-21-29-37 at oak brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 25-18-21-37 at gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Sa bawat araw na nagdaraan ay makararamdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon upang isakatuparan ang matagal nang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-33-41 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Isipin na kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi naging makasarili. Huwag mangamba dahil ang lahat nang ito ay kanyang nakikita at nadarama. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Lucky numbers at color of the day ang 7-14-21-38 at light blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Iwasan ang maging agresibo dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay lalo lamang mawawalan sa iyo ng gana at tiwala. Kung magiging mapusok ay daranas ng kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-29-36 at navy blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Palipasin ang narinig sa kabilang tainga. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maging maunawain ay lalong hahangaan ng kapwa. Makagagawa ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color of the day ang 4-15-28-33 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Pagbigyan ang kahilingan ng nakararami. Ito lamang ang tanging paraan upang maiwasang magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, mahahamon sa kakaibang damdamin ng kasintahan ang malimit na paglapit sa iba. Magpaliwanag kung kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 18-24-34-40 at jade green.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Mag-ingat sa mga salita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makababawi sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang masasamang-loob. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-26-39 at pink.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
May problema ngayon at makikilala ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Sa oras ng pangangailangan masusubok ang tunay at tapat na kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-19-25-37 at sky blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdaman ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Gumawa kaagad ng aksyon. Huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 20-27-35-42 at yellow.

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CAPRICORN

LUCKY

MAGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with