^

Kutob

Agosto 18, 2004

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Malamang makasagupa ang isang Cancer o kapwa Leo na magbibigay ng di-makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color of the day ang 2-25-41-47 at corn yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makikilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color of the day ang 4-10-37-42 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Kung may balak magbiyahe nang malayo o malapit, walang magiging sagabal. Mauunawaan ngayon ang ipinagtatampo o ikinagalit ng kasambahay. Mahahanapan ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmonya. Magiging stable ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 1-20-32-39 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color of the day ang 6-21-33-35 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-24-44 at crimson.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Magkakaroon ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang napasimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 4-25-43-45 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Kung walang asawa, nakapokus ang panahon at atensyon sa pagpaplano ng kasal. Kung may asawa naman, nakapokus ang pansin sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo at pamilya. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na E o P. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color of the day ang 24-28-40-43 at sapphire blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
May masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling ng isang Capricorn. Makakasagupa ng kagipitan ng pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng isang Pisces. Lucky numbers at color of the day ang 21-29-36-42 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Kalituhan ang hatid ng kapwa Aries na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos at inggit. Malaki ang papel ng Sagittarius upang mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng mga A, B o D ang unang titik ng pangalan. Lucky numbers at color of the day ang 19-28-31-44 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Huwag magpabigla-bigla sa aksyon o desisyon. Mapopokus ang pag-iisip at panahon sa kung papaanong mapapaunlad ang ikabubuhay. Malaki ang bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Taurus. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na kinalaman sa mag-asawa. Lucky numbers at color of the day ang 2-27-32-35 at tangerine.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera. Habaan ang pasensya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi at pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 3-24-31-39 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Malaki ang magiging bahagi ng Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganing timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid ang Aries at magbibigay ng aspetong legal ang kapwa Cancer. Lucky numbers at color of the day ang 14-19-23-45 at maroon.

vuukle comment

ANG CANCER

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

MALAKI

NUMBERS

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with