Hunyo 01, 2004

GEMINI (May 21-Hun. 21) – Malaki ang pakinabang kung hindi mag-aaksaya ng panahon sa pagsasagawa ng mga plano. Kung magri-research, may sikretong matutuklasan na makapagpapaunlad sa kasalukuyang buhay. Magiging masuwerte kung iiwasan ang tsismisan. Lucky numbers at color of the day ang 10-13-34-39 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Dahil sa hangad na umunlad, hindi tamang sirain ang kapwa upang umangat. Walang makakaligtas sa prinsipyo ng karma. Hindi pa huli para magbago. Simulan ngayon at tiyak lalandasin ang tagumpay. Sa sariling sikap maaangkin ang matamis na tagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 11-14-27-34 at dollar green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Kung nag-aaral, iwasan ngayon ang usaping pag-ibig. Nasa bingit ng malaking pagkakamali sa usaping pampuso dahil magagawa ang hindi dapat mangyari na pagsisisihan sa bandang huli. Isaalang-alang ang sariling kapakanan bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-39-42 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Basta nasa katwiran, ngayon dapat ipakita na may panggulpi-de-gulat kang itinatago dahil may ilan na sobra na ang pang-aabusong ginagawa sa iyo. Ang walang-imik ay makakabuti ngunit hindi mangangahulugan na wala kang damdaming nasasaktan. Panindigan kung anuman ang ginawang desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 7-18-29-32 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Walang perpektong relasyon. Ngayong araw, iwasang magkaroon ng alitan sa minamahal dahil kung magkataon ay hahantong ito sa matagalang tampuhan o hiwalayan. Pairalin ang pagkamahinahon at haba ng pasensya. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-39-41 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong buhay ngunit huwag mabahala dahil sa huli ay magwawagi pa rin kung makapagpapaliwanag nang mahinahon. Iwasang magalit at padala sa emosyon. Lucky numbers at color of the day ang 14-16-37-38 at light gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Magpakahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa upang maiwasang makasakit sa damdamin ng kapwa o magkamali. Dahil sa kalituhan, makabubuting suriin at pag-aralan munang mabuti ang mga bagay na dapat gawin. Kung may mangutang, hindi dapat pagbigyan dahil matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 9-24-28-40 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maisasaisantabi muna ang lovelife dahil ang pokus ngayon ay ang pinansyal na aspeto. Pinansyal ang problema kaya hanapin ang lahat ng paraan upang makamit ang kailangan. Sa suliranin, iwasan ang iligal dahil kapahamakan ang sasapitin. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-38 at aqua blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte subalit isang Aries naman ang magbibigay ng problema o sakit ng ulo. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Capricorn dahil pag may kaguluhang maganap, hahantong sa hindi maganda. Lucky numbers at color of the day ang 22-24-31-43 at red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang suwerte ay minsan lang kumatok sa pinto, huwag paalpasin na malamang dumating ngayon. Maghanda kung anuman ang dumating. Kung inaakalang mabuti at ikauunlad ay sunggaban agad at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color of the day ang 10-20-14-41 at blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maganda ang takbo ng lovelife. Kung ipagpapatuloy ang kasiglahan at pagsusumigasig, tiyak abot-kamay na lamang ang mga pangarap at tagumpay. Walang problema sa araw na ito at malamang isang Pisces ang makapagbigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-16-18-22 at sky blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Malaking tulong ang taos-pusong panalangin. Lalong malaking pakinabang kung sasabayan ng sipag at tiyaga. Dahil sa kagipitan, magiging unang suliranin ang pera lalo kung may nag-aaral. Makisayaw sa tugtog upang maibsan ang problema. Lucky numbers at color of the day ang 2-19-23-42 at neon green.

Show comments