^

Kutob

Mayo 27, 2004

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Malamang mahirapan subalit kung pagsisikapan, nakatitiyak ng tagumpay. Lahat ng nalalaman ay maipapamalas sa gagawin. Magagamit nang husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color of the day ang 10-23-32-43 at gray.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy na magsisikap. May bahagyang di-pagkakaunawaang mamumuo sa tahanan o pinapasukan. Malamang mamagitan upang ayusin ito. Tiyaking hindi masasali sa gulo. Lucky numbers at color of the day ang 3-22-34-41 at maroon.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Walang suliranin sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala pagkat maayos ang takbo ng lahat. Kung may plano, simulan kaagad. Lucky numbers at color of the day ang 10-29-35-43 at violet.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Kung ipaiiral ang pride, tiyak walang kalutasan ang gulo. Kahit alam na may katwiran kung magpapakumbaba, tiyak hindi matutuloy ang namumuong gulo. Mahihirapang magdesisyon at kumunsulta sa higit na nakakaalam kung may duda. Lucky numbers at color of the day ang 7-15-25-30 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Mag-ingat sa pagbabalita dahil baka ang balitang maganda ay maaaring maging pangit dahil sa pagkakabigkas. Iwasang magyabang. Itikom ang bibig hangga’t maaari dahil may masasabing ikakagalit ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-25-37 at green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Mag-ingat sa ginagawa. Tiyaking hindi labag sa kagandahang-asal o di-magreresulta sa kapahamakan ng iba o sarili. Tiyaking ang ginagawa ay nasa sariling isip at hindi dikta lamang ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-29-33 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag magpadalus-dalos sa gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Huwag maniwala sa matamis na salita at baka madaya o maloko. Malamang isang hindi inaasahang pangyayari ang maganap. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-24-36 at beige.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Kung naging magulo ang sitwasyon sa relasyon, walang masama kung puputulin hangga’t maaga. Ang kapakanan ay siyang unahin bago ang iba. Hindi ka maaaring makatulong sa iba kung kapos o kulang sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-27-36 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Maayos ang kondisyon ng mental na kakayahan. Walang puwang na magkamali kaya kung may bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin na walang alinlangan. Magandang makasama dahil masayahin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-26-40 at brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Iwasan ang argumento upang maiwasang mapaaway. Huwag patulan ang argumento dahil pagsisimulan ng di-pagkakaunawaan. Kung mangyari ito, manatiling kalmado upang hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color of the day ang 7-23-34-40 at lilac.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Maraming gawain subalit kailangang bigyan ng panahon ang pagpapahinga. Bigyang-pansin ang kapakanan ng kalusugan. Isang kasambahay ang maglalambing. Maghanda at may kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-21-36 at purple.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Maging tapat kung nais manatili ang tiwala ng minamahal o kapwa. Nakapaligid ang temtasyon at madaling mahikayat. Kung patatangay sa udyok, kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color of the day ang 5-26-38-45 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MALAMANG

NUMBERS

TIYAKING

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with