^

Kutob

May 25,2004

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Kung hindi babaguhin ang magandang plano, nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Isang Scorpion ang makatutulong ngayon sa iyo. Iwasan pansamantala ang isang Leo o Taurus dahil magbibigay ito ng problema. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-17-25 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Sa mga bagong graduate, ngayon ang tamang panahon sa paghahanap ng trabaho. Huwag padala sa sulsol ng iba. Bigyang-pansin at pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 4-12-19-31 at magenta.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Kung may negosyo, magiging magaan ang pasok ng pera subalit mag-ingat sa mga masasamang-loob. May bantang mawalan kaya huwag tatanga-tanga. Maging alerto at mapagmasid at baka masalisihan. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-33-43 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Kung nag-aapply o nagpa-follow-up, gawin sa umaga dahil tiyak maganda ang magiging resulta ng mga lakarin. Kung may trabaho, mag-ingat dahil may mga kasamahang naghahangad sa iyong puwesto. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-25-36 at violet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Walang dapat alalahanin dahil magiging mapayapa ang kapaligiran sa pinapasukan at maging sa tahanan. Magiging abala ngunit maliligayahan naman dahil matatapos ang lahat ng mga gawain. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-20-39 at ivory white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May banta ng di-pagkakaunawaan na mangyayari sa isang kasambahay. Iwasang ipairal ang mabilis na pag-iinit ng ulo at siguradong away ang kahahantungan nito. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-22-41 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magandang panahon sa pananalapi. Maunlad ang negosyo. Malamang makapagsarado ng kontrata. Iiral ang pagkatamad kaya dapat paglabanan upang hindi layuan ng biyaya at suwerte. Matutupad ang matagal nang ipinangako. Lucky numbers at color for the day ang 14-27-37-42 at fuschia pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan kaya mag-ingat at iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay. Mag-ingat sa paglalakad at baka matalisod o matapilok. Kung may date o kakatagpuin, huwag na munang ituloy at kapalpakan lamang ang magiging resulta. Lucky numbers at color of the day ang 2-13-29-40 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung magiging positibo, mapapamalas ang kakayahan sa ginagawa. Kung negatibo naman lagi ang iniisip, siguradong daranas ng kapalpakan. Nasa pagitan ngayon ng pagkakamali at tama. Pag-isipan munang mabuti ang anumang bagay bago simulan. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-26-33 at green.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – Anuman ang nilalakad, ngayon dapat gawin at maganda ang resulta. Maipagmamalaki ang resulta sa ginagawa tungkol sa proyekto. Kung hindi magbabago ang takbo ng mga plano, tamang landas ito ng kaunlaran. Lucky numbers at color of the day ang 11-15-22-38 at yellow.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Nasa tamang landas ang kaunlaran ngunit wala sa tamang paraan ang budget sa gastusin. Simulang magtipid at husayan ang pagba-budget. Nasa sariling pagkakamali kung kapos sa pangangailangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-5-18-29 at pink.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Iiral ang kayabangan at kung hindi susupilin, makakaharap ang katapat. Pagsisimulan ng gulo o di-pagkakaunawaan ang pagkamayabang kaya mag-ingat sa pagsasalita. Huwag patulan kung may magyabang dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-23-33 at cream.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IIRAL

ISANG SCORPION

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with