Mayo 14, 2004

TAURUS (Abr. 20-May 20) – Kung may napupusuan, alamin muna ang kanyang buong pagkatao bago ipahayag ang tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad ng labis lalo at hindi kaya. Ang matagal nang gustong gawin ay malamang mangyari ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 3-18-29-35 at yellow.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Hindi lahat ng bagay na nasimulan ay tiyak na tatakbong maginhawa. May kasamahang naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan kaya’t dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap sa responsibilidad na nakaatang. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-23-36 at sky blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Huwag magtiwala na ipasa ang sariling gawain o responsibilidad sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa iyo. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang pangako mo kaya’t iwasang mangako kung hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color of the day ang 11-17-34-45 at violet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Makatutulong ng malaki ang payo ng matatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasang mapikon o magalit sa biro o kantiyaw dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw. Ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay-sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 2-21-37-43 at white.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
May sasalungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Suriin ang mga detalye ng transaksyon bago pumalaot. Iwasan ang labis na pagtitiwala. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-21-39 at lavender.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Umaayon ang panahon sa pakikipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari dahil kakampi ang panahon at katwiran. May kaunting suliraning lilitaw ngunit huwag maging emosyonal at dadaan lamang itong parang bagyo. Lucky numbers at color of the day ang 10-15-30-40 at mint green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Malakas ang ESP na mgagamit sa paglutas ng sariling problema at maging ng problema ng iba. Nasa panig ang gawaing mental kaysa pisikal. Walang sagabal sa lahat ng gawain. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula para sa magandang hinaharap. Lucky numbers at color of the day ang 6-13-28-31 at canary yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay-sigla. May kasiyahang maibibigay sa mga magulang at kaibigan. Ang hinihintay ay darating. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-18-24 at navy blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Marami ang dapat gawin subalit may pagkalito na siyang magiging dahilan ng pagkaalintana. Lalong mabilis makamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal at kasamahan. Isang kaanak ang maghahatid ng balita. Lucky numbers at color of the day ang 10-23-32-43 at jade green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Sa pagpapahayag ng saloobin, mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa di-pagkakaunawaan at maging dahilan ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos. Pag-isipan ang bawat hakbang bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-17-30 at fuschia.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Huwag magmadali sa hinahangad subalit kung may magandang pagkakataon ay kumilos kaagad at huwag na itong pakawalan pa. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas upang hindi maligaw. Lucky numbers at color of the day ang 1-6-33-36 at magenta.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon lamang ang kailangang hintayin at mapapasakamay na ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Ituloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color of the day ang 2-5-7-31 at maroon.

Show comments