^

Kutob

Marso 16, 2004

- Madam Rosa -
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Nasa tamang landas ang iyong kaunlaran ngunit wala sa tamang paraan ang paggastos kaya’t kailangang ayusin ang budget. Simulan ang pagtitipid. Nasa sariling pagkakamali kung kapos sa pangangailangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-15-18-29 at pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Anuman ang nilalakad o lalakarin ngayon ay may magandang resulta. Maipagmamalaki ngayon ang resulta ng ginagawa tungkol sa proyekto o propesyon. Kung hindi magbabago ang takbo ng mga plano, nasa tamang landas ang kaunlaran. Lucky numbers at color of the day ang 11-15-22-38 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Kung magiging positibo, maipapamalas ang kakayahan sa ginagawa o gawain sa trabaho subalit kung negatibo ang iniisip, daranasin ang kapalpakan sa ginagawa. Nasa pagitan ngayon ng pagkakamali at tama. Pag-isipang mabuti ang anumang bagay bago simulan. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-26-33 at green.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Magiging mahina ang bandang ibabang parte ng katawan kaya mag-ingat at iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay. Kung may date o may kakatagpuin, huwag ituloy dahil may kapalpakang magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 2-13-29-40 at blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magandang araw tungkol sa pananalapi. Maunlad ang negosyo. Malamang makapagsara ng kontrata. Iiral ang katamaran kaya dapat paglabanan upang hindi layuan ng suwerte. Kung papalarin, matutupad ang matagal nang ipinangako. Lucky numbers at color of the day ang 14-27-37-42 at fuschia.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang banta ng di-pagkakaunawaan ay mangyayari kung ipaiiral ang init ng ulo. Upang maiwasan ang gulo, maging kalmante at maunawain sa tuwina. Kung masangkot sa gulo, hahantong sa pangmatagalan ang hindi pag-iimikan. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-22-41 at tangerine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Walang dapat alalahanin dahil magiging mapayapa ang kapaligiran sa tahanan at pinapasukan. Matatambakan ng maraming gawain kaya’t magiging abala. Huwag mangako at posibleng makalimutan sa kaabalahan. Magiging matamlay ang katawan ngunit masaya naman kung matatapos ang lahat ng gawain. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-20-39 at ivory white.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Kung nag-aapply sa trabaho o nagpa-follow-up, ngayong umaga lakarin dahil tiyak na positibo ang resulta. Sa trabaho, mag-ingat dahil may kasamahang naghahangad ng iyong puwesto. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-25-36 at violet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Kung may negosyo, magiging magaan ang pasok ng pera subalit mag-ingat sa masasamang-loob. May bantang mawalan kaya huwag tatanga-tanga. Kailangang maging maingat lalo sa mga taong may binabantayan. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-33-43 at orange.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag magtampo sa magulang kung hindi maibigay ang gusto. Walang problema sa pera subalit magiging kabaligtaran sa larangan ng pag-ibig. Kung may tampuhan, ibaba ang pride upang hindi humantong sa kanais-nais na sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4-12-19-31 at magenta.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Kung hindi babaguhin ang magandang plano sa ikauunlad ay nasa tamang landas ngayon. Ituloy ang anumang binabalak para sa magandang hinaharap at positibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-17-25 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Iiral ang kayabangan at kung hindi ito masusugpo ay makakasagupa ng katapat. Pagsisimulan ng gulo o di-pagkakaunawaan ang pagkamayabang kaya’t mag-ingat sa pagsasalita. Huwag patulan kung may magyabang dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-23-33 at cream.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IIRAL

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with