^

Kutob

Marso 8, 2004

- Madam Rosa -
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon na lamang ang hihintayin at mapapasakamay ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Ituloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Lucky numbers at color of the day ang 2-5-7-31 at maroon.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Huwag magmadali sa hinahangad subalit kung may magandang pagkakataon, kumilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas upang hindi mawala. Lucky numbers at color of the day ang 1-16-33-36 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Mag-ingat sa pagpapahayag ng saloobin sapagkat maaaring humantong sa di-pagkakaunawaan at magiging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos. Pag-isipan ang bawat hakbang bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-17-30 at fuschia.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Marami ang dapat gawin subalit may pagkalito ang isip na siyang dahilan ng pagkataranta. Lalong mabilis makakamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal. Isang kaanak ang maghahatid ng balita. Lucky numbers at color of the day ang 10-23-32-43 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay kasiglaan. May kasiyahang maibibigay sa magulang, kaibigan o kaanak. Ang hinihintay ay darating. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-138-24 at navy blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing mental kaysa pisikal. Walang sagabal sa lahat ng gawain. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula ng bagong gawain para sa hinaharap. Lucky numbers at color of the day ang 6-13-28-31 at canary yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Inaayunan ng panahon ang pakikipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari dahil kakampi ang panahon at katwiran. May konting suliraning lilitaw ngunit huwag maging emosyonal. Lucky numbers at color of the day ang 10-15-25-30 at mint green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
May sasalungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Suriin ang mga detalye ng transaksyon bago pumalaot. Iwasan ang labis na pagtitiwala. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-21-39 at lavender.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Makakatulong ng malaki ang payo ng matatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasang mapikon o magalit sa biro at kantiyaw dahil sisirain nito ang iyong araw at mood sa buong araw. Lucky numbers at color of the day ang 2-21-37-43 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag magtiwala na ipagkaloob ang sariling tungkulin sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa sarili. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang pangako kaya huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ang 11-17-34-45 at violet.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Lahat ng bagay na nasimulan ay tiyak tatakbong maginhawa dahil sa kasiglaan. May kasamahang naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap ng katungkulan. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-23-36 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Kung may napupusuan, alamin muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad ng labis kung hindi kaya. Ang matagal nang gustong malaman ay magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 3-18-29-35 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

INAAYUNAN

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with