^

Kutob

Setyembre 18, 2003

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – May mahalagang pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresolba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi mababayaran. Iwasang maging matamlay. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-28-39 at light yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Magbibigay ng magandang kontribusyon ang Aries o Taurus. Doblehin ang pag-iingat kung makakasagupa ang taong may C, M o T ang unang titik ng pangalan. Magaan at maaliwalas ang takbo ng araw. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-21-36 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Maaaring mangyari ang isang himala kung patuloy na magsisipag at disiplinado. May mangyayaring hindi inaasahan. Gawing presentable ang sarili upang magkaroon ng tiwala ang koneksyon o kliyente. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-23 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Mapagtutuunan ng pansin ang tungkol sa nutrisyon, diet at ehersisyo. Maisasaayos ang mga dapat gawin. Mapag-aaralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 4-6-31-39 at yellow gold.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng malaki. Magiging abala sa trabaho at magkakaroon ng kaunting kalituhan sa schedule. Bago matapos ang araw, maisasaayos naman lahat pati ang sa pampuso. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-21-25 at canary yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Maisasakatuparan ang gustong mangyari. Malakas ang ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwa Aquarius o isang Gemini. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-28-35 at sky blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
May pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng sikreto. Madidiskubre ang pinag-ugatan ng maling balita. Lucky numbers at color of the day ang 3-6-14-18 at jade green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Matiwasay ang panahon sa iyong panig. Walang magiging problema. Naaayon ang panahon sa pagpaplano ng negosyo. Kung may transaksyon, positibo ang resulta. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-31 at indigo.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Positibo ang pananaw at magsisimulang maayos at matiwasay ang buong araw. Maisasakatuparan ang ipinangako. Sa gabi, magiging maligaya ang pagsasama sa minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 7-13-27-36 at old rose.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay babalik din sa iyo. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos. Maaalalang maraming dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color of the day ang 8-14-15-37 at violet.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Iwasan ang balak na pumasok sa aktibidad na magastos. Mabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at walang pagsisihan. Iba kaysa sinabi ang motibo ng taong may pangako sa usapan. Huwag ibigay nang lubos ang tiwala sa kausap. Lucky numbers at color of the day ang 21-24-30-39 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Ang marinig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan at paraan upang ikaw ay manlamig sa kanya. Ang pakikipagtikisan ay walang ibibigay na buti sa sarili. Sundin ang patakaran at alituntunin ng pinapasukan. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-25-36 at strawberry red.

COLOR

DAY

HUL

IWASAN

LUCKY

MAGBIBIGAY

MAISASAKATUPARAN

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with