Agosto 29, 2003

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Inaayunan ng panahon ang pakikipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari at kakampi ang panahon at katwiran. May konting suliraning lilitaw ngunit huwag maging emosyonal at dadaan lamang itong parang mabilis na hangin. Lucky numbers at color of the day ang 10-15-25-30 at mint green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
May sasalungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Suriin ang mga detalye ng transaksyon bago pumalaot. Iwasan ang labis na pagtitiwala. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-21-39 at lavander.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Makatutulong nang malaki ang payo ng mga matatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasang mapikon o magalit sa biro o kantiyaw dahil sisirain nito ang iyong araw. Lucky numbers at color of the day ang 2-21-37-43 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag magtiwala na ipabahala sa iba ang tungkulin o responsibilidad na nakaatang sa iyong balikat. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang pangako kaya huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color of the day ang 11-17-34-45 at violet.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Lahat ng bagay na sinimulan ay tiyak tatakbong maginhawa dahil sa kasiglahan. May kasamahang naghahangad sa iyong posisyon kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap ng tungkulin. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-23-36 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Kung may napupusuan, alamin muna ang mga tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad nang labis na hindi kaya. Ang matagal nang gustong malaman ay madidiskubre. Lucky numbers at color of the day ang 3-18-29-35 at citrine yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon na lamang ang hihintayin at mapapasakamay na ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Lucky numbers at color of the day ang 2-5-7-31 at maroon.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Huwag magmadali sa hinahangad subalit kung may magandang pagkakataon, kumilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas upang hindi maligaw. Lucky numbers at color of the day ang 1-6-33-36 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Sa pagpapahayag ng saloobin, mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa di-pagkakaunawaan at maging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos. Pag-isipan ang bawat hakbang bago magdesisyon sa dapat gawin. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-17-30 at fuschia.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Marami ang dapat gawin subalit may pagkalito ang isip na magiging dahilan ng pagkaalintana. Lalong mabilis makakamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal o kasamahan. Isang kaanak ang maghahatid ng balita. Lucky numbers at color of the day ang 10-23-32-43 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay ng kasiyahan. May kasiyahang maidudulot sa mga magulang o kaibigan. Ang hinihintay ay malamang dumating. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-18-24 at navy blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng sariling problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing mental kaysa pisikal. Walang sagabal sa lahat ng gawain. Inaayunan ng panahon ang magsimula ng magandang kinakaharap. Lucky numbers at color of the day ang 6-13-28-31 at canary yellow.

Show comments