^

Kutob

Agosto 27, 2003

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Panahon sa pagpaplano ng kinabukasan. Inaayunan ang anumang binabalak. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Hangga’t maaari ay iwasan ang mangako dahil hindi ito matutupad. Lucky numbers at color of the day ang 7-28-37-42 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Mag-ingat sa ginagawa upang matiyak na malayo sa anumang sakuna. Isang kaibigan ang nangangailangan ng pansin o tulong ang malamang na dumating. Tiyaking mabibigyan ng panahon at pagpapahalaga ang taong lalapit. Lucky numbers at color of the day ang 8-18-28-39 at lavander.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Masayang pangyayari ang malamang na dumating. Ang mga kasamahan o kasambahay ay handang makiisa sa gustong mangyari. Mahalagang panindigan ang pasya, tama man ito o mali. Lucky numbers at color of the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
May matatanggap na balita sa pamamagitan ng sulat o tawag na maaaring makapagpabago sa takbo ng gawain. Nasa pagitan ng tama at pagkakamali. Tiyaking hindi magpapadalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 11-13-21-32 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Iwasan ang mga kaibigang nagsisimula sa D, M at N ang pangalan dahil magbibigay sila ng hinanakit.Ang kapwa Capricorn o Taurus ang makapagbibigay-kasiyahan o tulong. Kung ano ang lalakarin, makabubuting may kasama. Lucky numbers at color of the day ang 15-19-28-42 at mint green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ang suliranin ang magiging dahilan ng pagiging emosyonal. Sa matutuklasang lihim na tagahanga, ang suliranin ay parang bulang mawawala. Lahat ng problema ay may katapat na solusyon na dapat hanapin. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Pinakamasayang nilikha kung matatapos ang mga gawain. Kumilos hangga’t maaga ngunit kailangan ang lubos na pag-iingat. Kung may mangyaring hindi maganda, malamang magdulot ito ng sama ng kalooban. Lucky numbers at color of the day ang 8-31-32-42 at carnation pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung may alitan nang dahil lamang sa selos. Huwag makinig sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 5-13-22-40 at silver gray.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Mararanasan ang kaligayahan mula umaga hanggang gabi. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanapbuhay. May matutuklasan. Lucky numbers at color of the day ang 4-23-34-36 at old rose.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Kaligayahan ang maglingkod sa kapwa na siyang maghahari sa sarili. Aanihin ang matamis na bunga ng pagtitiis at paghihirap. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya’t dapat habaan ang pasensiya dahil madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color of the day ang 8-12-27-38 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago o pag-aayos sa bahay o pinapasukan. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak darating sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga ang darating sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 9-11-23-35 at silver gray.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Bigyang-pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makabubuting magpatingin sa doktor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay inaayunan. Lucky numbers at color of the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

TIYAKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with