^

Kutob

Hunyo 28 , 2003

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Nasa kamay ang kapalaran kung seguridad sa trabaho ang pag-uusapan. Ingatan ang tungkuling ipagkakatiwala dahil bahagi ito ng pagsubok sa kakayahan. Kung pumaltos ka, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Lucky numbers at color of the day ang 12-24-37-43 at cream.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Malamang mapasok sa isang kasunduan na hindi napag-isipan at basta na lamang madadala sa bugso ng damdamin. Ito ang dapat ingatan. Lagdaan lang ang kasunduan kung ganap na nauunawaan ang mga nakasaad dahil maaaring mapeke o madaya. Lucky numbers at color of the day ang 9-11-26-35 at red orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maaaring maging mabigat ang katawan ngayon bunga ng pagpapabaya sa kalusugan. Pakinggan ang paalala ng minamahal at bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Huwag padala sa tsismis at sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-21-31 at aquamarine.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Isang taong may malaking tampo sa iyo ang malamang kusang lumapit at ihinga ang kanyang sama ng loob. Kung inaakalang nasa katwiran, panindigan ang prinsipyo subalit kung nagkamali, magpakatotoo at matutong humingi ng dispensa. Lucky numbers at color of the day ang 16-23-31-39 at ocean blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang bagong kakilala ay makatutulong sa negosyo o problema. Ang hinahangad ay nasa tamang landas kung hindi magbabago ang pagsisikap. Huwag magpadalus-dalos at patangay sa emosyon ng damdamin dahil hindi mareresolba ang problema sa ganitong paraan. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-25-32 at olive green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Magkakaroon ng bahagyang pagtumal sa negosyo. Magtabi ng pera para may madukot sakaling dumating ang panahon ng kagipitan. Magiging sensitibo ang minamahal kaya hinahon at pasensya ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-22-33 at brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Pakinggan ang mga ipinagtatapat ng minamahal tungkol sa kanyang suliranin. Kailangan niya ang iyong pang-unawa at tulong. Kakambal ng pagmamahal ang hirap at ginhawa kaya gampanan ang dapat. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-24-32 at canary yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Gamitin ang tamis ng ngiti dahil ito ang batubalani para makuha ang iyong pakay. Bawat taong makakausap, kung sasabayan ng matatamis na ngiti ay madaling makukumbinsi. Kabaligtaran ang mangyayari kung tatahimik lang at magsasawalang-kibo. Lucky numbers at color of the day ang 8-15-27-30 at chocolate brown.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) – May mapapansing kakaiba ang mga kasama sa ikinikilos. Makabubuting makipag-usap sa kanila upang magkaunawaan at makapagdulot ng katahimikan sa sarili at mawala ang mga pagdududa. Lucky numbers at color of the day ang 2-13-32-40 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Iwasang magbigay ng anumang komento upang walang makasagupa o makaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon upang guminhawa ang buhay. Bagay maging tahimik ngayon dahil kung maging madaldal ay may makakagalit. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-34 at royal blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian. Malabong magkapera kung aasa sa sugal o sa paghingi-hingi. Kailangang magsikap at magtiyaga upang matupad ang pangarap. Tatahakin ang tamang landas kung ngayon pasisimulan. Lucky numbers at color of the day ang 4-9-18-26 at blue gray.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Katamtaman ang pasok ng pera subalit limitahan ang labas upang hindi makaranas ng kakapusan sa hinaharap. Unahin ang mga bagay na kailangan ng pamilya upang hindi magsisi. Huwag balewalain ang tampuhan at hanapan kaagad ng solusyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-14-28-35 at peach.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PAKINGGAN

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with