^

Kutob

Mayo 21, 2003

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Isang kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o manghihiram ng pera. Masuwerte ang tungkol sa negosyo subalit kabaligtaran sa pag-ibig. Kaunting gusot ang mangyayari sa kapaligiran. Huwag makisangkot nang malayo sa kapahamakan. Lucky numbers at color of the day ang 7-8-22-28 at light blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Disiplina, sikap at tiyaga ang kailangan sa kaunlaran. Nawawalan ngayon ng pag-asa sa buhay na dapat paglabanan. Ang mag-isip na gumawa ng labag sa batas ay dapat paglabanan. Lucky numbers at color of the day ang 1-3-19-42 at aquamarine.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Kahit ano ang gawain, pag-isipang mabuti ang kahihinatnan bago magdesisyon. Iwasan ang maging madaldal nang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Nasa landas ang pagkakamali at pagsisisi kaya’t lubusang pag-iingat ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-22-31 at purple.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ibayong pag-iingat sa tahanan ang dapat nang maiwasan ang di-magandang pangyayari. Iwasan ang taong tsismosa nang hindi masangkot sa anumang gulo. Iwasan din ang magsugal o maglasing at ang madaling pag-iinit ng ulo. Lucky numbers at color of the day ang 12-14-22-23 at blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang panganib na maloko ay nasa signos mo ngayon. Ibayong pag-iingat ang kailangan at huwag basta maniniwala lalo sa mga bagong kakilala. Magkakaroon ng tampuhan sa pagitan ng minamahal. Lawakan ang pang-unawa at pagpapasensya. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-22-34 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Magiging magaan ang pananalapi. Sa mga mangangalakal, magiging maunlad ang negosyo. Magiging kaibig-ibig at kabigha-bighani ang tingin ng tao sa iyo ngayon. Malamang tumibok ang puso dahil sa matamis na salitang ipasasaring ng ilang tagahanga. Lucky numbers at color of the day ang 2-18-20-32 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Ihanda ang sarili sa hindi inaasahang pangyayari. Kung ano ang ginawa ay may katumbas na kabayaran. Kung hirap at pighati ang dinaranas, ito ay dahil sa masama o di-tamang ginawa kaya’t bad karma. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-18-41 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Kung may proyekto, walang dapat alalahanin dahil tatakbo ito nang matiwasay at walang abala. Sa trabaho, walang problema sa mga kasamahan dahil magiging matulungin sila at makikiisa sa iyong hangarin. Iwasang makapagsalita ng hindi maganda na makakasugat sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 2-11-22-39 at emerald green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung ano ang binabalak isagawa ay tiyak makakamit ang tagumpay. Ang pagwalambahala o katamaran ay walang mapapala. Umaayon ang panahon sa mga binabalak. Lucky numbers at color of the day ang 3-10-40-42 at magenta.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Hindi sayang ang mga kabutihang ginawa dahil nasa landas ngayon ang gantimpala. Ang pinakamamahal ay magiging mas lalong maunawain at malambing. Lucky numbers at color of the day ang 11-18-39-40 at navy blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maging kalmado at mahinahon sa pagdepensa ng prinsipyo upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan na posibleng humantong sa argumento at malaking gulo. Mahalagang panindigan ang prinsipyo dahil makakasagupa ng taong igigiit ang kanya kahit na mali. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-33-36 at royal blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Sa mga kasamahan o mga kaibigan, mababa ang magiging tingin sa iyo ngayon kaya’t habaan ang pasensiya at lawakan pa ang pang-unawa. Panatilihin ang pagkamahinahon dahil masungit ang makakaharap na mga tao ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-26-33 at pink.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

IBAYONG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with