GEMINI (May 21-Hun. 21) May mahalagang pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresolba ng suliranin. Iwasan ang maging matamlay at makadaragdag lamang ito sa problema. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-28-39 at light yellow.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Magsaya dahil tatakbo nang matiwasay ang araw. Walang magiging problema. Naaayon ang panahon sa pagpaplano ng negosyo. Kung may transaksyon, positibo ang resulta. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-31 at indigo.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Positibo ang magiging pananaw at magsisimula nang maayos at masagana ang buong araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Sa gabi naman ay magiging maligaya ang pagsasama ng pamilya at minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 7-13-27-36 at old rose.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Aanihin ngayon ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang babalik. Paglabanan ang sobrang mapaghinala sa kapareha at kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga sariling kagamitan. Lucky numbers at color of the day ang 8-14-15-37 at violet.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Magiging maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstra. Magkakaroon ng kaunting kalituhan tungkol sa mga schedule sa trabaho. Mapopokus ang atensyon sa trabaho. Bago matapos ang araw, maisasaayos ang kaunting gusot sa trabaho o sa pampuso. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-21-25 at canary yellow.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Maisasakatuparan ang gustong mangyari sa buhay. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwa Scorpio o Gemini. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-28-35 at sky blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) May ilang pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makatutuklas ng sikreto ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-6-14-18 at jade green.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Magbibigay ng magandang kontribusyon ang isang Aries o Taurus. Doblehin ang ingat kung may makasagupang A, M o W ang unang titik ng pangalan. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang taong D o N ang umpisa ng pangalan. Magiging magaan at maaliwalas ang takbo ng mga oras. Lucky numbers at color of the day ang 39-18-21-36 at pink.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) May maaaring mangyaring isang himala kung patuloy ang pagiging masipag, disiplinado, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili upang magkaroon ng tiwala ang koneksyon o kliyente. May mangyayaring hindi inaasahan. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-23 at scarlet.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Mapagtutuunan ng pansin ang tungkol sa nutrisyon, diet at ehersisyo. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Mapag-aaralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya at mapag-aaralan kung kailan maglalabas ng pera. Lucky numbers at color of the day ang 4-6-31-39 at yellow gold.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang magbalak pumasok sa aktibidad na magastos. Mabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at nang walang pagsisihan. Mapagtutuunan ng pansin ang pagpapaunlad sa iyong skills. Lucky numbers at color of the day ang 21-24-30-39 at yellow.