Marso 29, 2003
March 29, 2003 | 12:00am
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Huwag mag-alinlangan sa minamahal dahil tapat ito sa iyo. Iwasan ang labis na pagseselos. Kung magkaroon ng alitan nang dahil sa selos, hahantong ito sa matinding tampuhan o hiwalayan. Huwag magpadala sa sulsol at tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 6-19-37-40 at navy blue.
TAURUS (Abr. 20-May. 20) Inaayunan ng panahon ang pagpaplano para sa kinabukasan. Magiging positibo ang pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya. Kung may balak maglakbay, ngayon ang tamang araw sa pagtatakda nito. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.
GEMINI (May. 21-Hun. 21) May kapalit ang lahat ng pagtitiis at paghihirap at ito ay kaligayahan at kasaganaan na tatamuhin ngayon. Maraming makikialam sa gawain kayat madali kang maiinis. Pagtitimpi at hinahon ang dapat na pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-37 at brown.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Kung may mangyaring kapalpakan, daramdamin ito nang husto. Tawag ng pagkakataon ang pagiging mahinahon at pag-iingat sa anumang ginagawa. Maliligayahan kung matatapos ang lahat na gawaing nakaatang sa iyong balikat. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-42 at pink.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Makakatanggap ng mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono. Magiging kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalmuha ngayon. Maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at magenta.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Kung may nararamdaman, napapanahong kumunsulta sa doktor at huwag basta na lang iinom ng gamot. Ang kalusugan ang siyang bigyang-pansin ngayon at wastong pangangalaga. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at emerald green.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Maaaring matuklasan ang isang lihim na pinag-iingatan ng iba. Maaaring maging balisa dahil may problema sa sarili na hindi masabi sa iba. Ang pagiging emosyonal ay dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Huwag magmadali sa hinahangad at kusang darating ito sa anumang panahon at oras. Ipagpaliban ang anumang balak sa pagbabago ng bahay o pinapasukan. Pag-aralang mabuti ang mga gawain bago magsimula. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-33 at indigo.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Walang magiging problema sa tahanan. Ang nakaraang suliranin ay may kalutasan at maiaayos. Mag-ingat sa anumang ginagawa. Isang kaibigan ang mangungulit na siyang hahamon sa iyong pagtitimpi. Huwag na lamang itong pansinin. Lucky numbers at color for the day ang 6-25-33-39 at white.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang mga taong nagsisimula ang pangalan sa A at N. Isang Taurus ang magbibigay ng kagalakan. Ang pag-iimpok ng sobrang pera ay dapat simulan ngayon upang may magamit kung kailanganin. Iwasan ang maluluhong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 11-15-19-28 at tangerine.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Magiging tampulan ng tukso at kantiyaw ng mga kaibigan o kasambahay. Mula umaga hanggang gabi ay puro kaligayahan ang mararamdaman. Makakatanggap ng impormasyong makatutulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-28-40 at baby pink.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Isang masayang pangyayari ang darating. Magiliw ngayon at handang makiisa sa mga kasamahan at kasambahay sa layunin na nais isagawa. Panindigan ang ginawang pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-35 at garnet red.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended