Pebrero 28, 2003

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – May matatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono na makapagpapabago sa takbo ng buhay. Tiyaking huwag magpadalus-dalos sa paggawa ng desisyon o pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago sa bahay o pinapasukan. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak darating ito sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga ang manliligaw. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-13-35 at silver gray.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Mahalagang bigyang-pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makabubuting magpatingin o kumunsulta sa doktor. Ang pagpapahinga ay tinatawag ng panahon at dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at avocado green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Panahon sa pagpaplano ng kinabukasan ng pamilya. Ang binabalak ay napapanahong isakatuparan. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Hangga’t maaari ay iwasang mangako at hindi ito matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang humantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung may mangyayaring alitan. Makabubuting huwag makinig sa sulsol ng iba at tsismisan. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-40 at silver gray.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Magandang balita dahil mararanasan ang kaligayahan mula umaga hanggang kinabukasan. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-23-34-35 at old rose.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Magiging kaligayahan sa puso at damdamin ang maglingkod sa kapwa. Aanihin ang matamis na bunga ng pagtitiis at hirap na dinanas ng mga nakaraang araw. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya habaan ang pasensiya dahil maaaring madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Iwasan pansamantala ang mga kaibigang nagsisimula sa A at D ang pangalan dahil magbibigay sila ng hinanakit sa iyo. Isang Taurus naman o kapwa Libra ang makapagbibigay ng kasiyahan o tulong ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-42 at mint green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang taglay na suliranin ang magiging dahilan ng pagiging emosyonal. Lahat ng suliranin ay may katapat na solusyon. May matutuklasang lihim na siyang magbubura ng dinadalang problema. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Magiging sobrang abala sa trabaho at tahanan ngunit ikaw ang magiging pinakamasaya sa lahat kapag ito ay natapos nang maayos. Kumilos kaagad habang maaga ngunit kailangan ng lubos na pag-iingat dahil kung may di-magandang mangyari ay magdudulot ito sa iyo ng sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-41 at carnation pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mag-ingat sa ginagawa upang matiyak na mapalayo sa anumang sakuna. Isang kaibigan ang nangangailangan ng pansin o tulong ang malamang na dumating. Tiyaking siya ay mabigyan ng panahon at pagpapahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at lavander.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Masayang pangyayari ang malamang dumating. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa nais gawin. Mahalagang panindigan ang ginawang pagpapasya, ito man ay mali o tama. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at ruby red.

Show comments