Pebrero 01, 2003

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Palampasin ang anumang maririnig na salita na makakapikon o makakaasar dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang anumang salitang masakit pakinggan upang makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-39-41 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte ngayon subalit isang Gemini naman ang magbibigay ng sakit ng damdamin. Hangga’t maaari ay iwasan pansamantala ang mga kilalang Leo dahil posibleng magkatampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 2-9-13-31 at red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututunan. Kung isang Sagittarius o Taurus naman ay hindi kayo magkakaunawaan at posibleng may tampuhang maganap. Lucky numbers at color for the day ang 5-6-18-22 at sky blue.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) –
Salubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang umaga. Magiging masungit at mainitin ang ulo kaya’t masisira ang iyong araw na dapat iwasan. Malamang makapagsalita ng masakit na makakasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9-15-19-22 at yellow.

GEMINI (May. 21-Hun. 21) –
May maganda at kapangitan ding lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon ngunit huwag mabahala at sa huli ay ikaw pa rin ang magwawagi lalo kung iiwasan ang mga tsismosa at mapanira. Panindigan ang iyong mga salita. Lucky numbers at color for the day ang 15-16-36-37 at light gray.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at paggawa upang maiwasan ang makasakit ng kapwa at magkamali. Madaling makukuha ang gusto kung ipagtatapat sa kinauukulan. Iwasan ang padalus-dalos na desisyon upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 11-26-28-39 at cream.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan at kung hindi mapansin ay matatagalan pa bago muling makamtan. Maging handa sa anumang darating at kung inaakalang ito’y sa ikauunlad ay dapat nang sunggaban kaagad at huwag nang pakawalan pa. Magiging maunlad ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 10-12-14-41 at sky blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Matutuklasan ang sariling potensyal kung paano mapapakinabangan. Ipagpatuloy ang naudlot na mithiin sa buhay. May bagong strategy na maiisip na magagamit sa proyektong ilulunsad. Sasang-ayon ang mga nakatataas sa panukala. Lucky numbers at color for the day ang 5-15-25-35 at aqua blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Araw ng pangako. Magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang maglakbay, maglasing o makipag-date dahil malapit ka ngayon sa disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-34-40 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Malamang magkaroon ng bagong pag-ibig. Isang Leo ang magbibigay ng dahilan ng iyong kasiyahan subalit isang Cancer naman ang magbibigay ng sakit ng ulo. Kailangang magpakatatag dahil may sitwasyong susubok sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9-10-23-32 at neon green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kung ano ang ginawa sa kapwa ay gagawin din sa iyo. Araw ng gantimpala at paniningil kaya’t kung anuman ang maging sitwasyon ngayon ay huwag ikapagtaka. Lucky numbers at color for the day ang 13-31-39-42 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaabalang dumating. Ang anumang transaksyong gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Iwasan ang mangutang o magpautang dahil magkakaproblema sa bayaran. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

Show comments