^

Kutob

Setyembre 25, 2002

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Kung may nararamdaman at wala sa kondisyon, makabubuting magpatingin sa doktor at huwag basta na lang iinom ng gamot. Malamang na may dumating na isang panauhing hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 6-31-36-40 at sky blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Matatapos ang nasimulang gawain bago sumapit ang hapon. Malamang may matanggap na regalo mula sa isang lihim na tagahanga. Lucky numbers at color for the day ang 5-30-34-44 at violet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Nasa charitable at caring mood ka ngayon subalit piliin ang tamang pagbibigyan o tutulungan. Isang Taurus ang magbibigay ng ligaya at isang Aries naman ang mang-aasar sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13-25-38-41 at maroon.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magpahinga o magbakasyon kung may kabigatan ang pakiramdam. Kung pipiliting magtrabaho, lubos na pag-iingat ang dapat pairalin dahil malapit ka sa disgrasya at pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-29-35 at peach.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magiging tahimik ang umaga para sa iyo subalit may konting kaguluhan sa gabi. Huwag sabayan ang kaguluhan ng paligid nang maiwasan ang di-magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 6-12-36-38 at olive green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magpaplano ngayon na maglakbay ang iyong boss kasama ka. Huwag palampasin ang oportunidad na darating. Ang minamahal ay dapat unawain dahil may pagkamasungit ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 15-24-35-40 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magiging suliranin ang tungkol sa pinansyal subalit ito ay malalampasan kung pagsisikapan. Kung ipaiiral ang init ng ulo nang dahil sa problema, lalo lamang mapapalayo sa tamang landas ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 5-25-28-40 at tangerine.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Tama lamang na gantihan ng pagmamahal ang karelasyon upang lalong maging maligaya ang pagsasama. Mag-ingat gumawa ng kapalpakan dahil magiging negatibong impresyon ito ng nakatataas. Lucky numbers at color for the day ang 4-24-34-42 at navy blue.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Sikaping maging matalino sa paghawak ng pera. Pag-isipang mabuti ang isang alok na financial opportunity kuno dahil maaaring hindi maganda ang kalabasan ng alok na ito para sa iyo. Huwag mangako dahil di-kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ang 2-27-35-43 at avocado green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May panahon para tapusin ang mga paper works o assignment. Huwag magmadali sa hinahangad dahil darating ito sa tamang oras at pagkakataon. Kontrolin ang init ng ulo upang hindi lumitaw na may pangit kang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 1-16-26-36 at magenta.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Iwasang gumawa ng desisyon tungkol sa pera lalo na kung malaking halaga dahil may babalang magkamali ka. Sikaping magpahinga o mag-relax dahil pagod ka at hindi makapag-isip nang mabuti. Ang nakatulong sa iyo noon ay hihingi ngayon ng pabor. Lucky numbers at color for the day ang 4-29-33-43 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Umaayon ang araw upang tapusin ang nasimulang proyekto. Iwasan ang magsabi ng sikreto sa kaibigan dahil tiyak itong mabubulgar. Huwag magpadalus-dalos sa pagdidesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 3-28-32-37 at burgundy.

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

ISANG TAURUS

LUCKY

MAGIGING

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with