^

Kutob

Setyembre 10, 2002

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Sikaping maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan o pinapasukan at medyo may kaguluhang mangyayari. Mahalagang makatiyak sa anumang gawain. Inaayunan ang malayong paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-12-24 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Walang magiging problema sa takbo ng mga gawain. May suwerte sa negosyo. Walang magiging suliranin sa tahanan at maaliwalas ang takbo ng araw. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-22-33 at purple.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– May kalutasan ang ilang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at damdamin. Labis na maliligayahan sa suportang ibibigay ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-17-24 at royal blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Madaling mahimok ang mga tao sa iyong paligid dahil nasa iyo ngayon ang magneto ng pagka-charming. Posible ang isang magandang balitang hatid ng isang kaibigan o kaanak. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-25-30 at jade green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maging sa anumang bagay, full support ang ibibigay sa iyo ng mga minamahal, kaibigan at kaanak. Huwag igiit ang iyong gustong mangyari dahil nasa panig mo ngayon ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 8-10-16-35 at red orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Alalahanin na may tsismis na totoo at mayroon din namang para panira lamang. Huwag agad-agad maniniwala sa tsismis na maririnig. Ang tsismis ay nagiging ugat ng di-pagkakaunawaan at gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-20-33 at garnet red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang pakikipagtulungan sa minamahal ay magiging malaking pakinabang na siyang dapat mong gampanan. Kung makitang matamlay ang kapareha, tanungin siya at tiyaking walang bumabagabag sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-37-42 at peach.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Pahalagahan ang kalusugan. Mayroon mang problema, hindi ito dapat dibdibin at maging emosyonal dahil kalusugan mo ang maaapektuhan. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-23-36 at apple green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magiging makulay at masaya ang araw dahil inspirado. Inaayunan ang pakikipagsosyalan lalo sa mga wala pang asawa. Iwasan ang magkaroon ng kagalit sapagkat magiging pangmatagalan ito. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-22-36 at lemon green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maganda ang hatid ng araw at hindi magiging abala sa pinapasukan. Pagtuunan ng pansin ang problema ng isang kaanak pagkat kailangan niya ang iyong suporta. Lucky numbers at color for the day ang 6-12-22-36 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag idaan sa dahas ang kaunting problema sa tahanan at lalo ka lamang maiinis at malulungkot. Idaan sa diplomasya at hinahon ang paghahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 3-16-28-37 at cream white.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan dahil wala kang mapapala mula sa kanila ngayon. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Huwag magbibitiw ng mararahas na salita nang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 7-17-19-39 at maroon.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

INAAYUNAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with