^

Kutob

Agosto 19, 2002

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang sikretong itinatago na hindi napapanahong malaman ng iba ay matutuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukin ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating at maaalintana ng ilang araw. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-11-36 at garnet red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Umaayon ang panahon upang makatuklas ng paraan sa ikauunlad ng sarili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May dadaluhang simpleng okasyon. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 6-13-26-37 at dirty white.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Iwasan ang magbigay ng pangako sa anumang bagay. Maganda ang panahon sa namamasukan sapagkat mapapalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa anumang pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-24-32 at avocado green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Kahinahunan sa pagpapasya ang dapat panatilihin bago magdesisyon. Mag-ingat sa mga sasakyan. Magiging saksi sa isang aktibidad na di makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-24-34 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan ngayon. Gumawa ng tahimik at ipairal ang tiyaga. May biyayang naghihintay sa trabaho o negosyo. Maging alert. Iwasang makisangkot sa anumang argumento. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-44 at silver gray.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Nasa signos ang aksidente kaya iwasan ang anyaya ng mga barkada o lumakad na hindi gaanong kailangan. Iwasang maglakbay ng malayo. Lucky numbers at color for the day ang 10-14-23-40 at cream.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit at baka humantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil malamang bumigay ang katawan. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-12-16 at green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Isang Taurus ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataong malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang anumang desisyon upang mapag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 2-22-32-42 at indigo.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Mabuting kumilos agad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag ay mahahalinhan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pamimika ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak di-magkakamali. May pagkakataong mapaunlad ang samahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-30-34 at lavander.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong mabuti kung makukuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balita. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-36-41 at aquamarine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May pagkakataong mapabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Lucky numbers at color for the day ang 9-36-39-42 at mustard yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Angkin ang lakas ng ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangang pakibagayan ang mga nakatataas sa tungkulin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-29-32 at honey yellow.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG TAURUS

IWASAN

IWASANG

LUCKY

MAGANDA

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with