Agosto 15, 2002

LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Makakatanggap ng mahalagang balita sa pamamagitan ng telepono o sulat. Magiging kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalamuha ngayon. Maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at magenta.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Napapanahong kumonsulta sa doktor kung may ibang nararamdaman sa katawan. Ang kalusugan ay dapat na bigyang pansin at wastong pangangalaga. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at emerald green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Maaaring makatuklas ng isang lihim na pinag-iingatan ng iba. Maaaring maging balisa dahil may problema na hindi masabi sa iba. Ang pagiging emosyonal ay dapat na iwasan dahil maaaring dalhin ito ng ilang araw. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Huwag magmadali sa hinahangad at kusang darating ito sa tamang panahon at oras. Ipagpaliban ang anumang balak sa pagbabago ng bahay o pinapasukan. Pag-aralang mabuti ang gagawin bago magsimula. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Walang magiging problema sa tahanan at karaniwan ang magiging takbo ng pangyayari sa pinapasukan. Ang nakaraang suliranin ay magkakaroon ng kalutasan. Mag-ingat sa anumang ginagawa upang mapalayo sa disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 16-25-33-39 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Iwasan ang mga taong nagsisimula sa A at N ang pangalan. Isang Taurus ang magbibigay ng kagalakan. Ang mag-impok ng sobrang pera ay dapat simulan ngayon upang may magamit kung kailanganin. Iwasan ang maluluhong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-41 at tangerine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magiging tampulan ng mga kasamahan o kaibigan. Kaligayahan ang mararanasan buong araw. Makatatanggap ng impormasyon na makatutulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-28-40 at baby pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Isang masayang pangyayari ang magaganap. Magiliw at handang makiisa sa layunin ng mga kasamahan. Panindigan ang ginawang desisyon. Naghihintay ng balita ang isang kaanak o kaibigan mula sa malayo. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at garnet red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Huwag mag-alinlangan sa minamahal dahil siya ay tapat sa iyo. Iwasan ang labis na pagseselos. Kung magkakaroon ng alitan nang dahil sa selos, hahantong ito sa matinding tampuhan o hiwalayan. Isang Capricorn ang magbibigay kalungkutan. Iwasan ang sulsol ng iba at mga tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 8-19-37-40 at marine blue.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Inaayunan ng panahon ang pagpaplano ng kinabukasan. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya. Kung may balak maglakbay, ngayon ang pagtatakda kung kailan upang hindi magkabuhul-buhol ang schedule. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May kapalit ang lahat ng pagtitiis at paghihirap at ito ay kaligayahan at kasaganaan ngayon. Maraming makikialam sa mga gagawin kaya madaling magagalit. Pagtitimpi at hinahon ang siyang ipairal. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at brown.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Iwasan ang may mangyaring kapalpakan sa ginagawa dahil daramdamin ito ng ilang araw kung magkakagayon. Tinatawag ng panahon ang pagpapakahinahon at pag-iingat sa anumang ginagawa. Pinakamasayang nilikha kung matatapos ang mga nakaatang na gawain sa takdang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-42 at pink.

Show comments