May 6, 2002

TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Huwag mag-alinlangan sa minamahal. Iwasan ang labis na pagseselos. Kung magkakaroon ng alitan dahil sa selos, hahantong ito sa matinding tampuhan o hiwalayan. Iwasan ang mga sulsol at tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 8-19-37-40 at ocean blue.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Kung may mangyayaring kapalpakan, dadamdamin ito ng ilang araw kaya hinahon at hinay-hinay na pagdidesisyon ang kailangan at mag-ingat sa anumang ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 8-31-32-42 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May kapalit ang lahat ng pagtitiis at paghihirap. Maraming makikialam sa mga gawain kaya madaling mainis. Pagtitimpi at hinahon ang siyang ipairal. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-27-38 at brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Kung may nararamdaman, napapanahon na upang komunsulta sa doktor. Ang kalusugan ay bigyang-pansin at wastong pangangalaga. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Magiging mahina ang katawan mula baywang hanggang talampakan. Lucky numbers at color for the day ang 11-22-31-42 at emerald green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Makakatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono. Magiging kasiya-siya ang pakikitungo sa mga taong makakasalamuha. Maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-21-32 at magenta.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag magmadali sa hinahangad at kusang darating sa tamang oras at panahon. Ipagpaliban ang anumang balak na pagbabago sa bahay o trabaho. Pag-aralang mabuti ang mga gawain. Magkakaroon ng bagong manliligaw. Lucky numbers at color for the day ang 9-11-23-35 at indigo.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maaaring makatuklas ng isang lihim na pinag-iingatan ng iba. Maaaring maging balisa dahil may problema sa sarili na hindi masabi sa iba. Iwasan ang pagiging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-31-40 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Iwasan ang mga taong nagsisimula ang pangalan sa M at A. Isang Taurus ang magbibigay ng kagalakan o katuwaan. Ang mag-impok ng sobrang pera ay dapat simulan. Iwasan ang maluluhong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-28-41 at tangerine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Walang magiging problema sa tahanan at karaniwan ang magiging takbo ng pangyayari sa trabaho. Ang nakaraang suliranin ay may kalutasan at maisasaayos. Mag-ingat sa anumang ginagawa nang malayo sa disgrasya. Huwag pansinin ang isang kaibigang mangungulit. Lucky numbers at color for the day ang 16-25-33-39 at white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Isang masayang pangyayari ang magaganap. Magiliw at handang makiisa ang mga kasamahan. Panindigan ang ginagawang pagpapasya. Isang kaanak ang naghihintay ng balita mula sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-21-39 at garnet red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging tampulan ng mga kasamahan o kasambahay. Mula umaga hanggang gabi ay kaligayahan ang mararanasan. Makakatanggap ng impormasyon na makatutulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-28-44 at baby pink.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Inaayunan ng panahon ang pagpaplano ng kinabukasan. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya. Kung may balak na maglakbay, ngayon ang pagtatakda kung kailan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ang 7-28-37-42 at yellow.

Show comments