Pebrero 28, 2002

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Tamang panahon upang hanapan ng solusyon ang suliranin ng nakalipas. Kung magagampanan ang dapat, tiyak may kaunlaran sa kinakaharap. Harapin ang katotohanan at matutong humingi ng patawad kung nagkasala. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-24-30 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang pagkimkim ng sama ng loob o hinanakit ay hindi makatutulong sa sarili manapa’y magbibigay ng masamang epekto sa kalusugan. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kaibigan at sa kanya isiwalat ang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 2-14-19-40 at indigo.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Sa ngayon ay kuntento sa nararamdaman tungkol sa pag-ibig at sa aspetong pinansyal ay dapat pag-ibayuhin ang pag-aalaga sa mga ito. Magtipid at mag-impok nang may maani sa araw ng pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 4-19-20-37 at white.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Kung mahalaga ang ibig malaman, magsaliksik sa sarili at timbangin kung makatwiran o hindi bago magdesisyon. Ibatay sa makatwirang patakaran ang desisyon. Sundin ang batas maging ang batas-trapiko. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-37-42 at red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ibatay sa kakayahan ang gawain. Kung hindi tiyak ang gagawin, huwag pilitin ang sarili dahil kapalpakan lang ang magiging resulta. Huwag mahiyang magtanong sa eksperto at higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 2-11-19-40 at green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Huwag sayangin ang pagkakataon na hindi tanggapin ang anumang paanyaya maliban sa pakikipag-date na magreresulta sa sumbatan at hindi pagkakaunawaan. Huwag ituloy ang anumang labag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 5-6-19-39 at aquamarine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Iwasan ngayon ang magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa relasyon dahil tatagal ito at lumalandas sa hiwalayan. Maging mahinahon at magpakumbaba at may posibilidad na masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 10-19-23-33 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag ngayon maningil sa pautang at hindi mababayaran. Kung may lalakarin, ipagpaliban ito kahit pa gaano kahalaga. Iwasan ang maglakbay ng malayo. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-38-39 at blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang di-pagkakaunawaan sa pamilya ay malamang magkaroon ng solusyon. Ang alitan sa kaibigan ay maisasaayos kung nanaisin subalit lalala kung pababayaan. Iwasan ang magalit o magmura. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-23-39 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Ang issue ng nakalipas ay maaaring lumitaw muli na siyang ikasisira ng araw. Ngayon ang pagkakataon para pagtuunan ng pansin ang pagresolba sa suliranin ng nakaraan. Maging mahinahon at huwag idaan sa dahas at init ng ulo ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-30 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ang pakikipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. Sa impluwensya ng panahon, magiging masayahin at halos lahat ay walang suliranin. Magiging masaya ang pakikihalubo sa kaibigan, kaanak o mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 21-29-35-39 at white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung may balak na lumipat ng tahanan, ngayon ito isakatuparann upang maging masagana. Kung may balak namang magbukas ng negosyo ay dapat itong simulan ngayon upang maging maunlad at masuwerte. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-20-26 at electric blue.

Show comments