Nobyembre 14, 2001

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – May pagkamaramdamin ang ilang kasambahay at matuto kang sila’y unawain alang-alang sa kapayapaan ng araw na lagi mong hinahangad sa iyong tahanan. Hindi pabor ang mangutang o magpautang ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 6-12-21 at jade green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Exciting day. Papanaigin ang kahinahunan. Dapat kang makatiyak sa iyong kapasyahan at maging matibay ang kalooban. Ang minamahal ay lubhang maunawain. Iwasan ang madaling pag-iinit ng ulo at may nakaambang gulo sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-18 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Paborable ang araw upang mapagyaman ang kaalaman at mapalawak ang karanasan sa buhay. Hindi pabor ang pakikipagtransaksyon ngayon sa anumang bagay lalo sa usapang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 3-8-10 at ivory cream.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Exciting day. Mabubuhayan ng loob at sisilay ang malaking pag-asa sa buhay. Huwag makalimot dumalangin sa Maykapal. Uunlad ang sisimulang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 1-17-29 at avocado green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magandang pakitunguhan ngayon ang ilang mga kaibigan na handang tumulong at dumamay sa iyo kahit sa oras ng kagipitan. Magagawang kumbinsihin maging ang iyong boss na mabigyan ka ng umento. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-20 at purple.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Bigyan ng halaga ang mga aktibidad na pansarili alang-alang sa ikagaganda ng iyong araw. Ang pagdalo sa isang sosyalan ang mag-uugnay sa ilang maimpluwensiyang tao. Lucky numbers at color for the day ang 6-1-10 at white.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Mapapaunlad ang sariling tahanan at mapamamalagi ang magandang atmospera sa buong kapaligiran. May iaalok na bagong posisyon ngunit siguraduhing ito ay naka-black and white at hindi lang verbal. Lucky numbers at color for the day ang 3-1-11 at lavander.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maligaya ang araw sa pag-ibig at tigib ng kakaibang kaligayahan ang puso. Ipagpaliban ang paglalakbay, malayo man o malapit pagkat mapanganib ito. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-18 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Makikiisa at makakatulong ang ilang maimpluwensyang tao sa isang proyektong uumpisahan. Paborable ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-28 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Exciting day. Makakabuting magpaunlak kahit sa ngalan ng salapi nang hindi masira ang magandang relasyon. Iwasan ang walang kabuluhang pakikipagtalo. Ang maging mapang-unawa sa harap ng problema ay may nakalaang gantimpala. Lucky numbers at color for the day ang 3-6-17 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Lucky day. Matatamo ang tulong ng ilang maiimpluwensiyang tao. Hindi gaanong mabagabag ang araw. Mahalaga ngayon ang mga kaibigan at kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-28 at navy blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Madali mong mapapakibagayan ang ilang kasambahay at sila ay makikiisa sa iyong mga layunin at gustong mangyari ngayong araw. May isang kaanak na lalapit at hihingi ng tulong-pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-18 at gold.

Show comments