^

Kutob

Oktubre 27, 2001

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Ang balak na paglalakbay ay may biyayang naghihintay. Magiging kapaki-pakinabang ang suhestiyon ng isang kaibigan. Sumasang-ayon ang araw na sundin ang kutob ng kalooban kaysa payo ng magulang. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-11-36 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag patulan ang pamimikang mga biro ng mga kasamahan o kasambahay. Ang hinanakit ng isang kapatid o kaibigan ay mapapawi. Mapapabuti ang pagsasamahan sa loob ng tahanan at pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-30-34 at lavander.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Huwag padala sa hikayat ng ilang kasamahan. Matutong manindigan sa anumang pinagkasunduan o pinag-usapan. Isakatuparan ang anumang binitiwang pangako. Makakatanggap ng mahalagang business proposal. Lucky numbers at color for the day ang 9-26-36-42 at mustard yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang mga maliliit na bagay na hindi naisaayos ay mabibigyan ng solusyon kung pagtutuunan ng pansin. Huwag magpadalus-dalos sa paglagda ng anumang kasulatan. May sorpresang tatanggapin. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-24-37 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Maganda ang hatid ng araw sa mga namamasukan. Hindi angkop ang araw sa paglalakbay. Talasan ang pakiramdam at may matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 10-18-21-39 at rust.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang mga bagay na napabayaan ay mahalagang mapag-ukulan ng panahong maisaayos. May posibilidad na madagdagan ang kinikita. Maisasaayos ang gusot sa trabaho gayundin sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-30-41 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
-- Magplano bago umpisahan ang trabaho nang maiwasan ang pagkakamali. Ibuhos ang buong pagsisikap sa ginagawa. Iwasan ang paglalakbay sa malayo. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-36-40 at aquamarine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Masaya ang pag-ibig kung maiiwasan ang selosan at usapang pera. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit. Huwag pilitin ang sariling magbigay agad ng desisyon kung may alinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-32-42 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kakailanganin ang malaking pakikibagay sa mga superiors sa trabaho. Angkin ngayon ang malakas na ESP kaya’t sundin ang kutob. Ang buong pagsisikap ay ilagay sa tahanan o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-29-32 at midnight blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– May palatandaang ang isang limot na pag-ibig ay manariwa. Huwag padadala sa anumang paninirang maririnig. Kalmahin ang sarili. Napapanahon upang paghandaan ang nalalapit na Kapaskuhan. Lucky numbers at color for the day ang 11-29-31-37 at ruby red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Makakatagpo ng isang kakilala sa isang sosyalan. Huwag makisangkot sa argumento ng iba. Mapalad sa uumpisahang negosyo ngayon. Huwag pilitin ang ayaw at tiyak na magkakagalit lang kayo. Lucky numbers at color for the day ang 5-11-22-34 at violet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Umaayon ang kalagayang pinansyal. Iwasan ang magulong lansangan. Ibayong ingat ang kailangan upang maiwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari. May taong nagnanais na gamitin ka sa pansariling interes. Lucky numbers at color for the day ang 13-24-33-40 at orange.

ANGKIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with