Oktubre 23, 2001

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Taglay ang malakas na pang-akit sa mga taong makakausap. Mapagtitibay ang magandang relasyon sa loob ng tahanan o sa minamahal at sa pinapasukan. Huwag ipangako ang isang bagay na hindi nakakatiyak maisasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2-12-22-37 at red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Inaayunan ng magandang kapalaran ang mga binabalak tungkol sa pag-ibig ngunit magiging matampuhin kung darating ang hamon at pagsubok sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-24-41 at pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Hindi mahalaga kung hindi malaking pagtitipon ang dadaluhan dahil may naghihintay na magandang kapalaran dito. Madadagdagan ang kinikita. Makakatanggap ng impormasyong makakatulong sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-31 at jade green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Ang kawalang-aktibidad ay labis na makapagpapainip. May pagkakataong maipakita ang katapatan ng hangarin at layunin sa kinauukulan. Ang pagpaparaya sa isa’t isa ay nangangahulugan ng maligayang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Nakatakdang maging mainit ang pag-ibig. Mapupuno ng makukulay na pangyayari ang araw. Sikaping mapanatili ang magandang harmonya sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 8-20-32-41 at violet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging kasiya-siya ang pakikihalubilo sa mga kaanak. Masusubukan ang katatagan ng isang kaibigan kung dapat hangaan o hindi. Samantalahin ang araw sa pagpapahinga. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-31-36 at cherry red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Makakalikha ng isang bagay na pagmumulan ng paghanga. Ingatang makasalungat ang pansariling interes ng bawat isa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 7-20-37-42 at maroon.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– May makikilalang tao na makatutulong upang maisakatuparan ang isang transaksyon. Malulungkot lamang kung karangyaan ang magiging sukatan dahil sa kalagayan o sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 2-13-21-40 at aquamarine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ang tensyon ay bunga ng di-pagkakaunawaan sa loob ng pinapasukan o mga kasamahan. Ang pagkaabala sa gawain ay malamang maging dahilan ng pagkainis at pagkamagagalitin. Lucky numbers at color for the day ang 5-14-36-42 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Tamang pamamaraan sa pakikisama ang magpapalapit sa mga taong nakapaligid. Ang mga kaanak ay maunawain at matulungin. Mapapalipas sa paglilibang ang kaguluhan ng isip dulot ng di-pagkakaunawaan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 3-14-25-36 at emerald green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang pansariling gawain ay lubhang mahalaga na dapat pagtuunan ng oras. Iwasan muna ang makisalamuha sa ibang tao dahil magiging pikon at mainitin ang ulo. Mapamaraang pakikibagay at kahinahunan ang dapat ipairal. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-19-35 at peach.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– May suwerteng hatid ang negosyo. Maging maingat sa paglabas ng bahay laluna sa gabi. Maaapektuhan ang relasyon dahil sa mga intriga at tsismis na maririnig. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-16-36 at turquoise.

Show comments