Octubre 4, 2001

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Kakailanganin ang malaking pakikibagay sa mga superiors. Angkin ang malakas na ESPkaya ang kutob ay sundin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa kalye. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-29-32 at midnight blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang inaasahan ay matahimik na darating sa tamang oras. May pagkakataong mapabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 9-36-39-42 at mustard yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Higit makabubuti kung makukuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Ilagay ang buong pagsisikap maging anuman ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-36-41 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Huwag paniwalaan ang pamimika ng iba. Sundin ang kutob ng puso at tiyak na hindi magkakamali. Makabubuting kumilos agad bago mahuli ang lahat. Ang mga bagabag ay mahahalinhan ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-30-34 at lavander.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Iwasan ang mangako sa anumang bagay. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa mga mandarambong. Lucky numbers at color for the day ang 10-18-21-39 at rust.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kahinahunan sa pagpapasya ang dapat panatilihin. Ang gantimpalang matatamo ay nakalaan sa pag-ibig. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging witness sa isang aktibidad na hindi malilimutan. Lucky numbers at color for the day ang 13-24-33-39 at burnt orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa isang sosyalang dadaluhan. Mapalad sa itatayong negosyo. Gumawa ng tahimik at ipairal ang pagtitiyaga. May naghihintay na biyaya mula sa trabaho. Huwag sumangkot sa anumang argumento. Lucky numbers at color for the day ang 5-11-22-34 at violet.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Iwasan ang paglalakbay sa malayo lalo kung magtatawid-dagat. Ang pananatili sa puwesto ay makakaiwas sa aksidente. Iwasan ang madidilim na lugar. Lucky numbers at color for the day ang 11-19-31-37 at ruby red.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Huwag magmalabis sa mga gawain alang-alang sa kalusugan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Dapat sukatin ang kakayahan sa paggugol. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-32-42 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Malulutas ang ilang problema na nagbibigay-bagabag lalo sa larangang pinansyal. Isang taong nasa signos na Virgo ang magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ang 12-14-24-37 at pink.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May dadaluhang simpleng okasyon sa kapitbahay o kaibigan. Umaayon ang panahon sa pagmumuni-muni upang makatuklas ng magandang paraan sa ikauunlad ng sarili. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 11-19-31-37 at ruby red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang inaasahang pera na matagal nang hinihintay ay hindi darating. May sikreto kang itinatago na hindi napapanahong malaman ng kahit na sino kahit pa ang pinagkakatiwalaan mong tao. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-11-36 at emerald green.

Show comments